Allen Dizon ratsada pa rin sa indie; teleserye hindi muna priority!

ADVERTISING

Allen Dizon ratsada pa rin sa indie; teleserye hindi muna priority!

Allen Dizon ratsada pa rin sa indie; teleserye hindi muna priority!
Allen Dizon with Liza Lorena and child star JJ Quilantang

HINDI nawawalan ng trabaho ang award-winning actor na si Allen Dizon. After niyang matapos ang pelikulang Bomba, gagawin naman niya ang pelikulang Persons of Interest with Dimples Romana and Liza Lorena under the direction of Ralston Jover na director din ng pelikulang Hamog.

Bukod sa Bomba at Persons of Interest, may gagawin ding pelikula si Allen kay Direk Brillante Mendoza at sa Palawan sila magsusyuting. Ito ang dahilan kung bakit kahit may offers sa kanyang magteleserye ay hindi niya ito matanggap.

“Mahirap ang kasi ang schedule ngayon ni Allen. Mahirap mag-commit kasi baka magkaproblema lang kami,” pahayag ng manager ni Allen na si Dennis Evangelista na line producer din ng mga pelikula ni Allen.

Sa Bomba ay role ng isang deaf and mute ang ginagampanan ni Allen. Sa Persons of Interest ay gaganap naman siyang bulag na cook.

ADVERTISING

Ani Allen, “Pahirap nga nang pahirap ang role na ginagawa ko, eh. Natitiyempo na puro merong disability pero nakaka-challenge gawin. Ibang-iba sa mga roles na ginawa ko dati sa past movies ko.

“Do’n sa Bomba, kinailangan ko pang mag-aral ng sign language sa school ng deaf and mute para mas realistic talaga at magawa ko nang tama yung sign language nila. Dito naman, may guide kami every shooting day.”

Ang veteran actress na si Liza Lorena ang kapartner ni Allen sa pelikula. Di hamak na mas matanda ito kesa sa kanya, pero wala raw itong problema.

“Hindi naman first time na magkaroon ako ng leading lady na mas matanda sa akin. Sa past movie ko, nakapartner ko na rin si Miss Elizabeth Oropesa kaya okey lang. Mas madali nga silang katrabaho, eh,” pahayag pa ni Allen.

Kasama nga rin pala nina Allen, Dimples at Liza ang gumanap na batang Tristan sa La Luna Sangre na si JJ Quilantang

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING