Allen Dizon, dumidistansya na sa pagpapa-sexy

ADVERTISING

Allen Dizon, dumidistansya na sa pagpapa-sexy

Allen-DizonSIMPLE LANG talaga kung magdala ng kanyang personality si Allen Dizon, pero ang istilo niyang iyon ang nagustuhan ng mga kakilala niya sa showbiz. Siya ‘yung tipo ng artista na tahimik lang talaga sa kanyang mga plano simula nu’ng bagong entra pa lang niya sa pag-aartista, hanggang ngayon. Pinag-aralan niya kung papaano siya magtatagal sa business na ito, at iyon nga ang nangyayari sa kanya kaya aktibo pa rin ang kanyang career.

ADVERTISING

Kahit na nagsimula si Allen bilang sexy actor, hindi hanggang doon lang ang kanyang intensiyon sa showbiz. Noon pa talaga niya pangarap na maging movie producer, kaya nitong huli na nabibigyan na siya ng pagkakataon ay nagagawa na niya iyon. Sa katunayan, marami siyang mga bagong pelikula na nasimulan at ipalalabas pa lang. Naghahanap din siya lagi ng magandang script para sa kanyang pagpo-produce ng mga pelikula.

Kisig-Pinoy si Allen, kaya nga nitong huli na nahihilingan pa rin siyang magtodo-paseksi, siya na ang kusang dumistansiya ‘tulad nu’ng member pa siya ng Viva Hotmen. Isa sa mga dahilan kung bakit nawala ang nasabing grupo ng mga barako, ay dahil si Allen na siyang pambato nila na pinakasikat, ay umaayaw na. Kasi nga, iyon na rin ang panahon na ang gusto na niyang gawin ay magsimula na sa pagsalang mag-produce ng mga pelikula.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING