Allen Dizon, balik sa pagpapa-sexy

ADVERTISING

Allen Dizon, balik sa pagpapa-sexy

Allen-DizonDATI AY nagbitaw na ng salita si Allen Dizon na graduate na siya sa mga sexy roles. Kaya nagulat kami nang mabungaran siyang nagpi-pictorial nang nakahubad kamakailan.

Kasama niya sa nasabing photo shoot si Jackie Rice na leading lady niya sa pelikulang Sitio Camcam (Greed) produced by Heaven’s Best at ipalalabas na sa July 9.

Sa istorya nito, tatlo ang asawa ni Allen. First wife niya si Jean Garcia, ikalawa naman si Sunshine Dizon, at ikatlo nga si Jackie.

“Balik-sexy, kasi kailangan sa istorya,” sabi ni Allen. “Meron kaming love scene ni Jackie. Tapos meron din kami ni Jean. Maganda ‘yong project at saka ‘yong istorya. Si Direk Joel (Lamangan) pa ang director. Si Direk Joel ang nag-request na kailangan ganito… kita ‘yong butt, ganyan-ganyan. So, wala naman akong choice!” natawang sabi pa ng aktor.

ADVERTISING

“Kung gaano ka-sexy ‘yong ginagawa ko noon, gano’n ang mapapanood sa pelikula. Pero hindi na puwedeng mas daring pa! Okey katrabaho si Jackie. Unang-una, napaka-professional niya. Magaling siyang artista. Tapos sexy at maganda. Sigurado ako, kapag napanood siya sa pelikulang ito, makikiliti ang imahinasyo ng mga lalaking nagpapantasya sa kanya. Kasi makikita nila ‘yong kaseksihan ni Jackie Rice.”

Hindi ba siya na-turn on sa pakikipag-love scene niya kay Jakie?

“Hindi naman ‘yong… tangay na tangay!” natawa ulit si Allen. “Kumbaga, siyempre ano, eh… unang-una kapag nagandahan ka sa partner mo, madali lang for you na mailabas ‘yong pagiging sensuwal na kailangan sa gano’ng eksena. Pero hindi naman ‘yong madadala ka na talaga. Hindi naman gano’n. Kasi more on professionalism dapat pagdating sa mga ganyang eksena.”

Since matagal din bago siya muling napapayag na mag-portray ng sexy role, pinaghandaan pa ba niya ito lalo na ‘yong matinding lovescene nila ni Jackie?

“Hindi na masyado. Kasi kumbaga, ako naman ang magdadala do’n sa kaeksena ko, kasi unang-una, mas alam ko ‘yong tungkol sa love scene kasi sanay na ako eo’n, eh. So, ako ‘yong mag-iingat sa kapareha ko ro’n sa eksena. At naging komportable naman sa akin si Jackie no’ng kunan ‘yon. Hindi naman siya kinabahan o nailang sa akin. Kasi alam din naman niya na trabaho lang.”

Pinaka-daring daw ‘yong eksenang may butt exposure siya habang nakikipag-love scene kay Jackie.

“Pero may plaster naman. Hindi puwedeng wala. Hindi ako pumapayag na walang plaster. Kasi, para makagalaw ako nang maayos. At saka nakahihiya naman sa ka-partner mo sa eksena kung makitaan ka. O magkakitaan kayo ng… ‘di ba? Mahirap naman ‘yon. So, mas magandang may plaster. Kumbaga, hindi naman kailangan na magpakita ka ng private part, so itago mo na lang. Huwag mo na lang ipakita!” tawa ulit ni Allen.

Bukod sa kanyang guwapong mukha, nagawa ring i-maintain ni Allen ang sexy niyang pangangatawan.

“Tuluy-tuloy na diet lang ‘yan. At saka exercise. Tapos… dapat stress-free. Dahil nakatataba at at nakatatanda kapag stressed ka, ‘di ba? So, kailangan stay healthy ka. Maging maingat sa kinakain mo.

“Malaking factor din ‘yong happy ka sa buhay mo.”

Sa hitsura ni Allen, walang mag-aakalang apat na ang kanyang anak. Hot Daddy nga siya kung bansagan.

“Tatlong babae at isang lalaki ang mga anak ko. Twelve ‘yong eldest daughter ko. Nine ‘yong pangalawa na babae rin. Nine ‘yong son ko. ten months old naman ‘yong bunso naming baby girl.”

Malapit na ang Father’s Day. Paano niya planong i-celebrate ito?

“Sa Father’s Day, siyempre magkakasama kami ng mga bata… buong family. Magdi-dinner lang lang siguro sa labas. O kaya ay sa bahay lang. Kasi para sa akin, isini-celebrate ng lahat ang Father’s Day pero kumbaga everyday naman… Father’s Day at Mother’s Day. Para sa mga bata, everyday dapat, Family Day, di ba? Eh, ako, kapag walang trabaho, sinisiguro ko na I spend quality time para sa asawa at mga anak ko.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING