Allen Ansay bibida bilang viral kesong puti vendor sa ‘Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy’

ISANG light-hearted family episode ang mapapanood natin ngayong Sunday, March 27, sa Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy na pinagbibidahan ng Starstruck 7 First Prince and Prima Donnas star na si Allen Ansay.

Allen Ansay bibida bilang viral kesong puti vendor sa 'Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy'
Allen Ansay and Barbara Miguel in ‘My Cheesy Cutie Guy’

Gaganap si Allen Ansay bilang si Lucky, isang simpleng kesong puti vendor na magbabago ang buhay nang mag-viral ang kanyang mga larawan na nakunan ng isang mystery fan. Dahil sa tinatamong instant fame and recognition ay magpapakilala ang kanyang tunay na ama, na isa pa lang pulitiko.

Si Lucky ay isa rin breadwinner ng kanilang pamilya at may nakababatang kapatid ito na ang pangalan ay Charm (played by award-winning actress Barbara Miguel) at mapagmahal na ina (played by Sue Prado). Ano ang mga pagbabagong magaganap ngayon na makikilala na niya ang kanyang tunay na ama na isang Mayor (Marlon Mance) at ang kanyang striktong older half-sister na si Vivian (played by Pam Gonzales)?

Isang timely episode ang mapapanood natin ngayong hapon sa Regal Studio Presents. Wala man ang ka-loveteam ni Allen na si Sofia Pablo ng #TeamJolly sa episode na ito ay magre-reunite naman ang dalawa muli sa nalalapit na paglabas ng Raya Sirena: The Series na kamakailan lang ay lumabas na ang teasers.