Allegedly married: Derek Ramsay couldn’t wed Angelica Panganiban?!

ADVERTISING

Allegedly married: Derek Ramsay couldn’t wed Angelica Panganiban?!

Allegedly married: Derek Ramsay couldn’t wed Angelica Panganiban?!

ADVERTISING

SENTRO NANG INTRIGA si Derek Ramsay dahil sa balitang may asawa’t anak na raw ito. Hanggang ngayon ay wala pang statement na ibinibigay sa publiko ang dyowa ni Angelica Panganiban. Ikinasal diumano ang hunk actor sa isang non-showbiz girl sa Bulacan, at ngayon ay naninirahan ang mag-ina sa Dubai. Matagal na ang chikang ito, 2010 nang mag-umpisang isulat sa blind item at blogs sa internet, pero walang magpatotoo tungkol sa isyu kaya hindi na pinag-usapan.

Ngayon na nga lang uli nabuksan ang isyu dahil naging curious ang publiko sa teaser ng TV Patrol last week tungkol sa isang hunk actor na may sabit na pala. Ipinakita rin ang marriage contract. Wait ang viewing public kung sinong hunk actor ang kanilang tinutukoy. Hanggang natapos ang TV Patrol, hindi na inilabas ang nasabing item at tuluyan na itong hindi ipinalabas ng network.

Tuloy, marami ang nagsasabing si Derek ang tinutukoy sa balita. Ayaw raw magpa-interview ang aktor about the issue. Kung dati-rati, agad nitong sinasagot ang mga intrigang ibinabato sa kanya, pero this time, nanahimik na lang ang aktor. Inaayos pa raw ni Derek ang mga bagay-bagay tungkol sa intrigang ibinabato sa kanya at ang away- bati nilang relasyon ni Angelica. Maging ang actress ay ayaw ring mag-comment tungkol sa isyu.

ADVERTISING

Matagal na raw nagli-live-in sina Derek at Angelica. Well, walang masama kung totoo nga ang balita. Alam natin, they are very much in love. Parang mag-asawa na nga kung magturingan sila sa isa’t isa. Kasal na nga lang ang kulang para maging legal ang kanilang pagsasama. Kung totoong may asawa’t anak si Derek bago niya nakilala si Angel, ipinagtapat kaya nito sa actress ang pangyayaring ‘yun sa buhay niya? I’m sure mauunawaan ng dalaga kung bakit nangyari ‘yun. Bagets pa raw noon si Derek at mapusok kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. Willing ba namang maghintay si Angelica hanggang mapawalang-bisa ang kasal nito sa unang asawa bago siya pakasalan ni Derek? ‘Yan ang ating aabangan…

 

NAKA-SCHEDULE OPERAHAN SA left foot si Solenn Heussaff na nasugatan noong nag-Survivor Philippines: Celebrity Showdown in Thailand. Kailangang tanggalin ang namuong buhangin sa loob ng kanyang paa dahil hindi nag-heal sa loob ang sugat nito, ayon sa dalaga. Ang sabi raw ng doktor, it will take at least two weeks bago ito gumaling. Kahit naka-bandage ang left foot ng model-actress at may walking cane, a-attend pa rin siya ng premiere night ng Temptation Island on July 6.

Ikinuwento pa ni Solenn ang mga hirap na dinanas nila habang nagsyu-shooting. Pero mas matindi raw ang experience niya sa nasabing reality show. Sa isla kasi, kailangang manalo ka sa mga challenges para makakuha ka ng pagkain that will make them a little less irritable in the island. They have to work and fight for it. Natutulog nga raw sila sa sahig at kung umulan, lahat sila nababasa at hindi makatulog.

Palibhasa model si Solenn, walang malisya itong nagbibihis kahit sa maraming tao on the set. Ibang-iba raw ang personalidad ng dalaga on screen kaysa sa totoong Solenn kapag nakilala mo. Walang ere sa katawan at napaka-down to earth kung makipagkaibigan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING