Allan K shows no gratitude to his former manager who is very sick?

ADVERTISING

 

Allan K shows no gratitude to his former manager who is very sick?

ADVERTISING

Allan K shows no gratitude to his former manager who is very sick?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Don’t make your Monday a blue Monday, para sa mga mas nakakalokang intriga, dahil ang mga eksena ay talagang hindi kapani-paniwala.

Noong nakaraang linggo, nabalitaan ko kasi na ang aking kaibigan na talaga namang sikat din noon at super duper yaman na si Boy Roa ay naging manager dati ng sikat na komedyanteng si Allan K. At talaga namang masasabi mong si Boy ang isa sa mga tumulong dito sa sikat na komedyante.

Ngayon kasi, talagang may sakit si Boy Roa na talaga namang masabi mong ang mundo ay pana-panahon lang. Lubog na rin ang lahat ng negosyo niya at wala na siyang mahingan ng tulong dahil nasa stage 4 na yata ang kanyang sakit.

ADVERTISING

Sinubukan ni Boy Roa na humingi ng tulong kay Allan K. Pinuntahan niya mismo ang komedyante sa pinaglalabasan nito tuwing tanghali.

Hindi ako makapaniwala na hindi nga raw pinansin ni Allan K ang dati niyang manager. Nakakaloka! Bakit naman hindi niya ito pinansin? Okey na nga sana kung hindi ka nagbigay, basta pansinin mo man lang. May ganu’n ba talagang tao?

Nakakaawa naman tuloy itong taong ito, dahil akala niya kung sino pa ang naiisip niyang magbibigay at akala niyang tutulong sa kanya ay ‘yun  pa ang talagang de-dedma lang sa kanya.

Ang mga tao nga naman, ‘pag nararamdaman nilang sikat na sila, nag-iiba na ang ihip ng hangin.

HETO NA NAMAN ang mainit na intriga ngayon, na talaga namang ginawa lang isyu para maging malakas ang pelikula nina Sam Milby at KC Concepcion.

Mapa-praning ka namang talaga dahil feeling ko, kaya ginawa ang isyu na hiwalay na sina KC at Piolo Pascual, para mag-click ang pelikula nina KC at Sam.

Pero akala ba talaga ng mga tao, may naging eksena kina KC at Piolo? Talagang paulit-ulit kong sasabihin sa inyo, na kahit ano’ng gawin n’yong isyu, eh wala talaga akong nararamdamang something, ‘di ba? Hahaha! At kilig factor?! Pak!!!

Abangan na lang natin kung mag-click ang pelikula nina KC at Sam, ‘di ba?

 

AYAN! SIYEMPRE, NAGPAPASALAMAT ako sa lahat ng sumuporta sa amin sa naging event sa bagong bukas na SM Masinag. Kasama ko ang aking mga Ola Chikka girls na sina Kariz Espina, Fines Pena, Hannah Cortiz, at ang isang Kristine Garia na nakilala sa pangalang ‘Awesome’!

Talaga namang paunti-unti nang nakikilala ang aking mga talent sa pamamagitan ng aking bagong production, ang Ola Chikka Now Na Media Production.

Nagpapasalamat din ako sa sumuporta sa akin, ang Wipe Out Dirt and Stain Remover at Guardian Ethyl Alcohol. Maraming salamat.

At siyempre, ‘di lang ‘yan… kung nabitin kayo sa mga chikka to the maximum authority of chikka, makinig kayo Lunes-Biyernes, 11:30-12 nn sa DWSS 194 KHZ, at every Sunday sa DZRH TV, 2:30-3:30 pm. Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING