Aljur Abrenica, umaasang makagawa na ulit ng teleserye

Aljur Abrenica, umaasang makagawa na ulit ng teleserye

Aljur-AbrenicaUNLIKE OTHER celebrities na kung saan-saan nagbabakasyon kapag Lenten Season, pinili ni Aljur to spend time with his family. Magkakasama sila roon sa kanilang resort sa Anilao, Batangas.

Bago ang Holy Week, nagpunta ang aktor sa Batanes. Birthday kasi niya noong March 24. Pero imbes na magkaroon ng party ay mas ginusto niyang doon na lang magtungo.

“Nagpunta ako ng Batanes on the day mismo ng birthday ko. Kauuwi ko lang nong March 27,” kuwento nga ng aktor.

“Sobrang ang ganda po ng Batanes. Talaga pong maipagmamalaki natin. Ang masasabi ko… nag-enjoy po talaga ako sa bakasyon kong ‘yon. Nakapag-relax ako. Mag-isa lang ako, e. So, parang adventure talaga ‘yong trip ko na ‘yon sa Batanes.

“Sumakay ako ng boat papunta sa tatlo pang islands doon sa Batanes. Sobrang breath-taking talaga ‘yong view. Tapos nag-meditate din ako. And I met a lot of amazing and talented artists do’n sa Batanes. At saka ‘yong De Leon family roon. They were so accommodating and nice.”

Bakit of all places ay ang Batanes ang napili niyang puntahan?

“Kasi gusto kong mag-isa, e. I wanna try travelling alone. And na-achieved ko. If you’re alone, gusto mo nang tahimik. So, pumunta ako ro’n. At kapag mag-isa ka, you get to mingle with a lot of people. Marami akong nakilala roon na turista rin. Okey naman.”

Hindi siya natakot na bumiyaheng mag-isa para i-explore ang Batanes? Kasi ‘yong iba, takot magtungo nang walang kasama sa isang lugar na first time pa lang nilang mapupuntahan.

“Well siniguro ko naman na… Batanes is a safe place to go. Secured naman ako kasi inalagaan nga ako ng isang family roon , ‘yong de Leon family. And ‘yong mga tao sa Batanes, I asked din, e. Tungkol sa lugar nila… if there is crime. People there are very warm. Mababait sila.”

What about this summer, ano ang plano niya?

“I’ll just… may workshop ako, e.”

Kahit regular na ulit siyang lumalabas sa Sunday All Stars, umiiwas si Aljur na pag-usapan kung talaga nga bang balik-Kapuso siya. But since may mga workshops siya ngayon, muli na naman nga siyang magiging aktibo sa kanyang acting career.

May mga upcoming projects na bang aabangan from him? Marami na rin ang nagtatanong at talagang nakaabang na muli siyang mapanood na umarte sa harap ng camera.

“Sa mga nagtatanong, sa mga nag-aabang… thank you. At sobrang naa-appreciate ko ang mga nababasa ko sa mga social media and even ‘yong mga sinasabi rin sa akin in person. So, salamat! Pero when it comes to upcoming projects, I’m looking forward sa positive results. And ‘yon… basta, thank you!”

Na-miss na rin niya ang pag-arte for sure? Pati na ang paggawa ng soap?

“Yes! Lagi kong iniisip ‘yan. Nagdi-daydream ako na makapagte-taping ako ulit. So, abangan na lang nila,” nangiting sambit pa ng aktor.

Napaka-positive ng aura ngayon ni Aljur. May kakaibang glow sa kanyang mga mata at lagi nga siyang nakangiti.

Hindi kapares dati na madalas, parang wala siya sa mood. Na animo’y ang dami niyang emotional baggages na pasan.

Nakatulong nga marahil para sa aktor ‘yong sandaling nawala siya sa sirkulasyon ng showbiz. Tila nakapagpahinga siya nang husto at nakapag-isip-isip din. Ngayon, fully recharged siya kumbaga sa baterya.

Hindi kaya isang dahilan din ay ang balitang nagkabalikan na raw sila ng ex-girlfreind niyang si Kylie Padilla?

Gusto sana nga naming itanong iyon kay Aljur. Pero sabi rin ng handler niya… no personal questions muna raw sa aktor.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan