Aljur Abrenica, sued for molesting 16-year old

Kasama ang kanyang ina, kapatid at mga kaibigan, umiiyak na nagsadya kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Violence Against Women and Children Division ang Chill model na si Michelle Saludo upang ireklamo ng acts of lasciviousness ang GMA 7 talent na si Aljur Abrenica, ito ang nabatid ng Pinoy Parazzi mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa NBI.

Ayon sa Pinoy Parazzi source, mangiyak-ngiyak na nagtungo roon si Michelle, 16, kasama ang kanyang ina, kapatid at mga kaibigan na tumatayo ring mga testigo upang pormal na ilahad ang di umano’y pangmomolestiya sa kanya ni Aljur.

Sa sinumpaang salaysay ni Michelle sa NBI, naganap ang pambabastos ng aktor sa kanya sa White Beach Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Abril 10-11.

Ani Michelle, naroon siya sa Puerto Galera noong mga petsang iyon dahil kasama siya bilang product endorser ng Chill Beverage, produktong ipinu-promote ng RBH Entertainment Network kung saan siya’y empleyado.

Ayon kay Michelle, nakilala niya si Aljur nang alukin niya itong bumili ng Chill Beverage noong Abril 10. Kasama noon ni Aljur sina Moymoy Palaboy, Mocha girls, kapatid na si Vince, isang GMA talent at iba pang hind napangalanan.

Sinabi ni Michelle na naganap ang pambabastos sa kanya ni Aljur nang yayain siya nitong makipag-inuman kinagabihan sa pampang ng White Beach.  Pinainom daw siya ng aktor ng beer at Bailey’s at maya-maya pa’y nagsimula nang maging malikot ang mga kamay ng aktor sa paghawak sa kanya.

Sinabi rin ni Michelle na saksi sa pangyayari noong gabing iyon ang kanyang kapatid na si Melrose at kaibigang si Jake Aguilar.

Idinagdag pa ni Michelle na ang buong akala niya’y titigil na sa pambabastos sa kanya si Aljur subalit kinabukasan nang makaalis na ang mga kaibigan nito ay lalong naging mahawak sa kanya ang aktor na dumadako rin sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa abugado ni Michelle na si Atty. Kit Belmonte, bukod sa naganap na pambabastos ni Aljur kay Michelle, dumaranas din ang kanyang kliyente ng hindi makatarungang paghuhusga ng publiko dahil ito ay pangkaraniwang babae lamang samantalang si Aljur ay isang sikat na artista. Ito raw ang kanyang nakikitang dahilan kung bakit si Michelle ay kailangang bigyan ng araw at laban sa korte.