Aljur Abrenica, pursigido sa pagbabalik sa Siyete

Aljur Abrenica, pursigido sa pagbabalik sa Siyete

Aljur-AbrenicaANG ISA pa ngang nagkaisyung hindi okay ay sina Alden at Aljur Abrenica. Pero nu’ng nagkita sila du’n sa Preview event, nagkabati sila at parang okay naman.

Mukhang pursigido na si Aljur sa pagbabalik niya sa GMA 7, eh.

Kuwento nga ng mga bading, maganda ang feedback sa acting workshop nila sa GMA Artist Center na kung saan si Direk Laurice Guillen ang nag-conduct nu’ng nakaraang Sabado.

Matindi raw ang eksena nina Aljur at Benjamin Alvez, si Aljur daw ang lumutang. Marami rin nga ang pumuri sa kanya sa Magpakailanman na ipinalabas nu’ng nakaraang Sabado.

Mataas daw ang rating nu’ng Magpakailanman, kahit matindi ang katapat. Sana nga, matuloy ang drama series nito kasama si Kris Bernal. Kaya buhay na buhay na naman ang mga avid fans ng AlKris loveteam.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis