Aljur Abrenica, pinagkaguluhan sa mall show

ADVERTISING

Aljur Abrenica, pinagkaguluhan sa mall show

Aljur-AbrenicaKAHIT WALANG regular na teleserye ngayon ang controversial actor na si Aljur Abrenica, hindi pa rin nawawala ang karisma nito sa mga tao sa dami ng pumunta at sa lakas ng mga tilian ng mga taong nanood ng launching ng ini-endorse nitong cellphone, ang BS Mobile na ginanap sa SM Novaliches last Sept. 28, 2014.
Pinuno ng hiyawan ang entertainment area ng SM Novaliches nang tawagin ang pangalan ni Aljur at haranahin ang mga manonood ng kanyang awitin. Bukod kay Aljur, nagbigay aliw rin ang dalawang pang image model nito na sina Francheska Farr at Louise Delos Reyes na nagbigay rin ng dalawang awitin.
Naging espesyal na panauhin din sa BS Mobile launching ang level up at ang Fab Girls at nagsilbing host naman si Pepita Curtis. Nagbigay rin ng introductory sale ng araw na iyon ang BS Mobile kung saan super discount ang ibinigay nila sa kanilang variety, quality at trendy cellphones sa mga bumili ng kanilang cellphones.

PAO Chief Atty. Persida Acosta, nililigawang tumakbong senador

UNTIL NOW ay wala pa raw balak pasukin ng masipag na PAO Chief na si Atty. Persida Acosta ang masalimuot na mundo ng politika, kung saan as early as now ay may mga iba’t ibang partido na ang kumakausap sa mabait at very generous na PAO chief.

Habang ang iba naman, nangangako na ng suporta kay Atty. Acosta, tumakbo lang ito sa pagka-senadora sa darating na eleksiyon. Pero kung siya raw ang tatanungin, wala siyang balak na iwan ang PAO office na minahal na niya ng 14 years. Marami raw kasing kaso pa ang hindi pa nalulutas na ayaw iwan nito. Gusto raw niya na kapag may laban siyang sinimulan, tatapusin niya ito kahit na marami ang nagsasabing mas marami ang matutulungan niya kapag tumakbo siya sa Senado at manalo.

ADVERTISING

Ayaw naman daw nitong magsalita nang tapos dahil malayo pa naman ang eleksiyon. If gods will daw at binigyan siya nito ng signal na tumakbo, baka raw tumakbo siya. Pero sa ngayon daw, hindi sumasagi sa isipan nito na mag-politiko. Mas gusto na raw nito ang kanyang lugar sa PAO at marami pa siyang kasong ipaglalaban lalo na’t ang mga involve na tao ay ang kababayan nating mahihirap na nagangailangan lang ng hustisya sa mga kasong kanilang ipinaglalaban.

 

Hosts at casts ng Gawad Kabataan, I Never Knew Love at Sing for Your Dreams, matagumpay ang mall show

 

NAGING MATAGUMPAY ang mall show ng SMAC TV Productions na ginanap last Sept. 27 sa SM Baliuag, kung saan nagbigay-aliw ang hosts ng Gawad Kabataan na sina Justine Lee at Jonathan Solis, at ang buong cast ng I Never Knew Love at hosts ng Sing For Your Dreams na si Kcee Martinez at Grey.

Habang naging espesyal na panauhin dito ang Kapuso actor at napapanood sa My Destiny na si Ruru Madrid na nagbigay-aliw at saya sa mga taga-Baliuag, Bulacan. Kaya naman abangan ang paglibot ng susunod na mall tour ng SMAC Talents na magaganap sa Oct. 4 sa SM Manila.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING