Aljur Abrenica, naudlot ang second album

ADVERTISING

Aljur Abrenica, naudlot ang second album

Aljur-AbrenicaGUSTUHIN MAN daw ay mukhang hindi kakayaning ilabas ang 2nd album ni Aljur Abrenica na happy sa sobrang daming nanood ng kanyang major concert na ginanap sa Music Museum, ang “Aljur Abrenica, Come and Get Me!” kung saan naging espesyal na panauhin nito sina Kris Bernal, Rochelle Pangilinan, kapatid na Vin Abrenica, atbp.

ADVERTISING

Ayon pa kay Aljur, baka early next year na raw niya ilalabas ang kanyang album under MCA Music na naglalaman ng kumbinasyon ng original at revival songs na mostly ay si Aljur ang pumili.

“Mostly ng songs ko sa second album ko, original at revivals, karamihan ng kanta, ako mismo ang pumili. Kakaiba ito sa unang album ko, ibang-ibang Aljur ang mapakikinggan nila rito, mas matured kumpara sa first album na batang-bata pa ang tunog ng mga kanta ko. Hopefully, sana, magustuhan ng mga Pinoy music lover.”

Dagdag pa ng GMA hunk na dalawang kanta pa lang ang kanyang nare-record dahil medyo naging busy siya sa kanyang top-rating soap na Prinsesa ng Buhay Ko, Sunday All Stars at sa kanyang matagumpay na katatapos na concert.

ADVERTISING

 

AARIBA NA naman ang pagiging kontrabida ng Tween Star na si Rhen Escano sa Villa Quintana, kung saan ginagampanan niya ang role ni Eve na isa sa magpapahirap kay Janine Gutierrez.

Nagpapasalamat nga raw ang flawless na Teen Star dahil binigyan muli siya ng GMA ng bagong soap, bukod pa sa kanyang regular show every Saturday migdnight, ang Walang Tulugan With The Master Showman at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7 tulad ng Maynila at Love Hotline.

Bukod nga sa TV, nami-miss na rin nitong makagawa muli ng pelikula, dahil medyo matagal-tagal na rin naman daw  since ginawa niya ang Ded na si Lolo at ang Road Trip.

 

MARAMING MGA manonood ang naaliw sa dance moves ni Aga Muhlach sa kanyang top-rating game show, ang Let’s Ask Pilipinas na mapapanood tuwing Monday to Friday, 7-7:30pm sa TV5.

Marami ngang live audience at maging manonood sa kanilang mga tahanan ang napapasayaw sa galing sumayaw ni Aga at maging ang mga contestant ay napapaindak din at sumasabay kay Aga.

Lalo na siguro kung maiuuwi nila ang humigit-kumulang P500k sa jackpot round. Kaya naman abangan at tumutok lang gabi-gabi at alamin kung sino ba ang magiging big winner at makapag-uuwi ng limpak-limpak na salapi sa Let’s Ask Pilipinas, at alamin din kung anu-ano na namang aabangang dance moves ang gagawin ni Aga.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING