Aljur Abrenica, nakikipagbalikan kay Kylie Padilla?

ADVERTISING

Aljur Abrenica, nakikipagbalikan kay Kylie Padilla?

Aljur-Abrenica-Kylie-PadillaTOTOO KAYANG nakikipagbalikan na raw si Aljur Abrenica kay Kylie Padilla?

Naku, ‘day! Talagang sinabi ni Kylie na susundin niya ang payo ng Mommy niya na huwag makipagbalikan dahil uulitin daw uli ‘yun ni Aljur. Iiyak naman siya.

Kaya kahit binabati siya ni Aljur sa Sunday All Stars, dedma talaga si Kylie.

Kuwento nga ng ilang staff na nandu’n, naabutan daw siya ni Aljur doon sa rehearsal, lumapit daw ang aktor at bumeso, pero parang walang nakita raw si Kylie.

ADVERTISING

Hindi raw tumingin man lang sa kanya si Kylie dahil abala ito sa pinapanood niya sa phone niya. ‘Yun pala, ang interview niya sa Startalk ang pinapanood niya, na ewan ko kung napansin ni Aljur ‘yun.

Nandu’n din daw sa rehearsal si Louise delos Reyes, pero walang nakakita kung nagkita sila ni Kylie du’n.

Naloka nga raw ang ibang staff nu’ng nagri-rehearse si Louise, ang lumalabas daw sa video wall ang interview ni Kylie sa Startalk. Nag-i-Startalk pa kasi nu’ng oras na ‘yun, at tamang-tama namang nasa stage si Louise at nagri-rehearse.

Tingnan na lang natin kung paninindigan ni Kylie na huwag nang makipagbati lalo na’t huwag nang makipagbalikan kay Aljur.

Marami raw ang magbabantay sa kanya, eh.

 

CONGRATULATIONS PALA sa bumubuo sa Ang Dalawang Mrs. Real dahil pinuri ito sa pilot episode nila nu’ng kamakalawa ng gabi.

Hindi ko pa alam kung mataas ang rating pero tingin ko mataas dahil ang daming nag-react at natuwa sa mga eksena nila lalo na raw ‘yung kay Dingdong.

Pinupuri nga du’n si Dingdong dahil ang dami niyang bonggang eksena sa pilot pa lang.

Sana tuluy-tuloy na subaybayan ito ng mga manonood!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING