Aljur Abrenica, nagsugod ng waitress sa ospital!

HERO ANG DATING sa amin ng balitang may isang waitress daw na tinulungan si Aljur Abrenica nang ‘di sinasadyang madulas ito sa isang resto sa may Timog area last Wednesday, kung saan kumakain si Aljur kasama ang kanyang trainor.

At sa pagkadulas daw ng nasabing waitress, bigla itong nawalan ng ulirat kaya naman daw on the rescue si Aljur at binuhat ang waitress papunta sa kanyang sasakyan dahil na rin sa walang available na sasakyan ang nasabing restaurant nang araw na iyon.

Dali-daling dinala ni Aljur ang babae sa malapit na pagamutan (Delgado Hospital) at ito na rin ang nagbayad ng bills ng waitress. At dahil may iba pang lakad, dali-dali ring umalis si Aljur after ma-settle nito ang bills sa hospital, kaya naman hindi na nito nakuha pa ang name ng tinulungang waitress.

NAKAKALOKA NAMAN ANG pagpi-feeling matalino at knows lahat ng nega, mayabang at sinungaling na host ng Juicy na si DJ Mo Twister, ‘yun pala bobito naman! Biruin mo ba namang magkomento sa Juicy na akala mo naman ay alam na niya ang lahat-lahat sa mundong ito na i-blame ba naman sa amin ang hindi niya naibigang title ng isang article na isinulat namin dito sa Pinoy Parazzi, na maniningning pa niyang isiniwalat sa show nilang Juicy.

Na kesyo raw ‘di kami marunong mag-title ng maganda at parang inuulit lang namin at kinukopya ang paglalagay ng title ng iba sa aming column at kung anu-ano pa.

Ang tanong, kami ba ang nagbibigay ng title? Hindi, ‘noh! Dahil ang editor namin ang nagbibigay ng title sa bawat artikulong ginagawa namin. Para naman kasing knows na knows niya ang mundo ng pagsusulat at kung makalait-lait itong bansuting mayabang na host na ito.

Bukod pa sa namimik-ap na nga lang ito ng balita mula sa Pinoy Parazzi at sa iba pang tabloid, ganyan pa siya kung makapanglait. Eh, kung hindi dahil sa aming mga manunulat eh, ‘di wala siyang mababalita sa Juicy. Halata namang wala talaga siyang maibalita (kundi tungkol sa sarili niya ay tungkol sa mga kasamahan lang niya sa show ang ibinabalita niya), kaya kung anu-ano na lang ang pinagdidiskitahan, na hindi naman direktang showbiz issue!

Kung kami sa kanya, bakit hindi na lang kaya siya ang sumulat ng balita at nang sarili niyang tsismis, at siya na rin ang mag-title at ‘wag umasa sa mga balitang nakukuha nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang tabloid! Para ang gusto niya ang ibinabalita niya, ‘di ba?! Dahil feeling naman niya ay napakagaling at napaka-perpekto niya, huh! Puwede ayusin niya muna ang buhay niya na sobrang masalimuot, bago siya makialam sa trabaho ng iba.

DALAWA SA PINAKAMAKINIS na youngstars sa bansa sina Valeen Montenegro na napapanood sa TV5’s Lokomoko U at si Niña Jose na napapanood naman sa Banana Split ng ABS-CBN. At ang dahilan ng kanilang mapuputi, makikinis at mapupulang kutis ay ang Skin Central na pag-aari nina Sir Kim Ilarde at Ms. Tin at matatagpuan sa St. Francis Square at sa may E. Rodriguez. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKeber ko sa ‘yo!
Next articleShalani Soledad, inuumaga sa gimikan?!

No posts to display