Aljur Abrenica, nag-sorry sa pagsita kay Geoff Eigenmann

ADVERTISING

Aljur Abrenica, nag-sorry sa pagsita kay Geoff Eigenmann

Aljur-AbrenicaSINABI NI Aljur Abrenica na nag-sorry siya sa mga taong nasaktan sa nangyaring pagsita niya kay Geoff Eigenmann dahil sa pagte-text daw diumano ng huli sa girlfriend ng una na si Kylie Padilla.

Nabigla rin daw siya sa ginawang action sa kapwa actor na nagpalipad-hangin sa pamamagitan ng text sa kanyang girlfriend. Pero wala naman daw siyang nararamdaman pagsisisi dahil ipinadama at ipinakita lang ang pagmamahal.

Sabi pa ni Aljur, ang tunay na lalaki raw ay marunong tumanggap ng pagkakamali para maayos ang dapat ayusin.

Anyway, masaya naman si Aljur dahil mataas daw rating ng fanteserye nila ni Louise delos Reyes. Kahit na sobrang hirap ang dinanas nila sa taping, nawawala lahat kapag nakararating sa kanila na mataas ang rating at sinusubaybayan.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING