Aljur Abrenica, nag-first taping day na para sa FPJ’s Ang Probinsyano

ADVERTISING

Aljur Abrenica, nag-first taping day na para sa FPJ's Ang Probinsyano

Aljur Abrenica, nag-first taping day na para sa FPJ's Ang Probinsyano
Aljur Abrenica

TAMA ANG HINALA namin na sa paglipat ng kampo ni Aljur Abrenica from GMA Kapuso  Network (alam ko hindi na siya pinag-renew ng kanyang kontrata) at ngayon ay certified Kapamilya Star na siya ay sa FPJ’s Ang Probinsyano siya unang isinalang.

 
Ayon sa publicist ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut sa reply niya sa inquiry namin today; ngayon ang first taping day ni Aljur sa aksyonserye ni Coco Martin na ngayon nga ay magse-celebrate ng kanilang ika-100 week as the # 1 show in the Philippines in the last two years.
 
Aljur Abrenica, nag-first taping day na para sa FPJ's Ang Probinsyano
Aljur Abrenica getting instructions from Direk Malu Sevilla

Si Aljur ay kabilang sa ilan sa mga semi-retired stars natin na malaki ang pasasalamat sa serye, lalo na kay Coco na napapagbigyan sila ng actor-director na muling maging aktibo sa kanilang mga careers dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 
Ang mga tulad nina King Gutierrez, Dindo Arroyo at marami pang iba na nag-lie low na sa kanilang pag-arte ay muling binigyan ng chance ng aksyon serye na bumalik sa dating ginagawa nila.
 
Sa kaso  ni Aljur (after mag-expire ang kontrata niya sa GMA) ay minsan na rin nagkaroon ng problema sa relasyon niya sa sa dating mother studio, ang GMA.
 
            Sa #FPJAP he will play the role of Miguel.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING