Aljur Abrenica, lumalabas na insecure kay Alden Richards?

ADVERTISING

Aljur Abrenica, lumalabas na insecure kay Alden Richards?

Aljur-AbrenicaBILANG BAHAGI ng Startalk ay marami ang nagtanong sa amin through text nitong Sabado, July 26—halfway through the show—kung bakit hindi tinalakay ng programa ang isyu involving Aljur Abrenica.

Mid-week kasi nang maghain ng kaukulang petisyon ang kampo ni Aljur which in layman’s language means na nais na niyang magpa-release sa GMA citing a number of ambiguous reasons, para sa amin.

As we speak now, may bubunuin pang mahigit dalawang taon si Aljur as stipulated in his contract, and he wants it terminated batay nga sa kanyang mga kadahilanan.

As a result of his decision, Aljur has incurred brickbats on social media, partikular na ang kawalan daw niya ng utang na loob sa istasyong nagbigay-daan sa katuparan ng kanyang pangarap. An alumnus of GMA’s Starstruck that hailed him as the Ultimate Hunk, hindi raw ba nilingon ni Aljur ang istasyon that made him who he is today?

ADVERTISING

Medyo subject nga lang ng isang masusing debate ang kinalabasan ni Aljur from virtual nothingness to what has become of him today. Pero hindi maipagkakaila that he already has a premium to boot and a name to crow about.

Pero hanggang du’n na lang ‘yon.

Sa itinagal-tagal ni Aljur sa showbiz—having done several soaps—nungkang nagmarka ang kanyang performance. He was, still is and will remain as a Class A male prostitute on screen na ang maaari lang mapanalunan ay Best Actor in a non-acting category award for his Juicy Orgasmic Single Performance!

The nerve and the verve para magmalaki na kesyo hindi raw “aligned” sa kanyang career goal kuno ang itinatakbo ng kanyang karera sa GMA. What alignment is Aljur yakking about, eh, hungkag naman siya sa pag-arte, ‘no!

Hindi rin daw nasunod ng GMA ang dapat sana’y pakete ni Aljur bilang isang singer. Minsan na naming napakinggang kumanta nang live si Aljur, and with an ear for music, hindi siya pangsoloista kundi backup singer lang.

Bukod kasi sa manipis tulad ng sinulid ang kanyang boses for his built, mabuti pa ang doorbell na may timbre.

Aljur is a damn “hammy-hammy” actor and a damn “kiyeme-kiyeme” singer, na kinabitan lang ng damn “yummy-yummy” body!

Naging kabuntot na rin tuloy ng pang-ookray kay Aljur ay ang kinikimkim niyang insecurities kay Alden Richards who’s his junior. If true, Aljur’s insecurities towards Alden are valid.

‘Di hamak namang mas magaling gazillion times si Al(den) kesa kay Al(jur)… ‘eto ang tunay na aktor.

Not Aljur, the HAM and the SHAM actor that he is… and will always be?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING