Aljur Abrenica & Louise delos Reyes: Are You Worth The Trouble?

ADVERTISING

Aljur-Abrenica-Louise-delos-ReyesALJUR ABRENICA
Real Name: Aljur Guiang Abrenica
Birth Date: March 24, 1990
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

LOUISE DELOS REYES
Real Name: Mary Grace Perido
Birthdate: September 1, 1993
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth
Basic Trait: I Analyze
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday
IT’S CONFIRMED! Si Kylie Padilla na mismo ang luhaang nag-confirm sa Startalk na hiwalay na sila ng longtime-boyfie na si Aljur Abrenica. Ano ang dahilan? Third Party. Although hindi niya diretsong binanggit, mukhang ang Kambal Sirena starlet na si Louise delos Reyes ang dahilan ng kanilang break-up. Saklap!

Matatandaang kahit si Enzo Pineda ay nanggagalaiti sa galit dahil sa ginawang pagtataksil sa kanya ng ex-girlfriend, na matagal na rin niyang nakarelasyon. Unang nag-mega-pa-interview si Aljur dahil sa diumano’y panggugulo ni Geoff Eigenmann sa relasyon nila ni Kylie, ‘yun pala siya ang guilty!

Ngayon, laging crying scenes ang dina-drama ng characters nina Aljur at Louise sa Kambal Sirena. Teka, worth the trouble naman kaya ang kanilang biglaang pagsasama, o hindi ba ito magwo-work as they wish? Tanungin natin ang mga bituin sa langit!

Parehong straightforward ang Aries at Virgo. May pagkakataon lang na Aries finds Virgo’s criticisms ‘too harsh’. Ang Aries ay padalus-dalos sa pagdedesisyon. Gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin at later on na niya iisipin ang consequences. Sa kabilang banda, ang Virgo ay maingat at pinag-iisipang mabuti ang mga bagay-bagay na pinapasok nito.

ADVERTISING

Hindi rin surprising kung magkakaroon ng financial problems ang dalawa. Kilala sa pagiging matipid at maingat sa pera ang Virgo, habang may pagka-magastos ang Aries. P’wede ring mabigla ang Aries sa pagiging sobrang praktikal ng Virgo. Para maiwasan ang away sa usaping pera, kailangang matutunan ng Virgo na bawas-bawasan ang pagiging nagger nito at ang Aries naman ay kailangan ding matutunang maging sensible sa paglustay ng datung, huh!

In reality, mahihirapan ang dalawang mag-adjust sa isa’t isa. May pagka-sensitive pagdating sa criticisms ang lalaking Aries at very vocal to the point of nagging naman ang babaeng Virgo. Madalas na mamasamain din ng lalaking Aries ang mga advice sa kanya ng Virgo kahit maayos pa ang pagkasambit nito. Nagka-clash ang kanilang personalities kaya madalas ang pag-aaway nito. Dapat matutunan nilang bawasan ang nagging and impulsive tendencies.

 

Whew, what a tough combination! With that given, kailangan mag-isip ang Kambal Sirena loveteam turned lovers (?) na sina Aljur at Louise at itanong sa isa’t isa – Are you worth fighting for? Are you worth the trouble? Esep-Esep din ‘pag may time!

Pares-Pares

By Madam DaminAljur Abrenica & Louise delos Reyes: Are You Worth The Trouble?

ADVERTISING