Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, nagdededmahan para ‘di mapag-usapan?

ADVERTISING

Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, nagdededmahan para ‘di mapag-usapan?

Louise-delos-Reyes-Aljur-AbrenicaMATAPOS MAGDEDMAHAN nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Sunday TV show ng GMA 7 at ibulgar ni Kylie na ang actor ang nakipagkalas sa kanya habang siya ay nagbabakasyon sa Australia.

Last Sunday naman, nagdedmahan sina Aljur at Louise delos Reyes na sinasabing 3rd party sa break-up nina Kylie at Aljur.

Bagama’t walang sinabi or tinukoy si Kylie nang ibulgar nito sa kanyang interview na totoong hiwalay na sila ni Aljur at may 3rd party involved, marami ang nag-isip kaagad na si Louise nga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pero kung pagbabasehan ang naganap na eksena nina Aljur at Louise last Sunday sa GMA studio, sasabihin mong walang namamagitan sa dalawa.

ADVERTISING

Nagdedmahan kasi sina Louise at Aljur nang magkasalubong sila sa corridor sa 2nd floor ng bagong building ng network, kung saan nandoon ang magkahiwalay na dressing room ng dalawa.

Galing si Louise sa fitting room at si Aljur naman ay may kausap na staff ng TV network sa hallway. Pabalik na si Louise sa dressing room at ganoon din si Aljur nang magsalubong sila na hindi nagbatian man lang or nag-usap kahit sandali.

Hindi kaya dedma muna ang dalawa dahil nagsalita na nga si Kylie at para siguro umiwas na maging sentro ng usap-usapan sa buong studio.

Samantalang todo-iwas si Aljur sa mga entertainment press na magbigay ng reaction sa ginawang pagpapa-interview ng ex-girlfriend na si Kylie. Nakiusap siya na huwag nang tanungin tungkol sa isyu nila ni Kylie bilang respeto raw sa kanilang pinagsamahan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING