Aljur Abrenica, kinain ang salita, balik-GMA

Aljur Abrenica, kinain ang salita, balik-GMA

Aljur-AbrenicaSO, ALJUR Abrenica’s back to GMA?

Winelkam nga ang hunk (or ham?) actor na ito sa Sunday All Stars last Sunday, this despite his wrong career decision na idinaan pa sa korte ang kanyang nais na makalayas sa istasyon that made him what he has become and who he is today (kung anuman siya).

Sa production meeting nga raw ng staff—surprise of surprises!—dumating si Aljur, seeing again familiar faces na matagal niyang hindi nakita over a period of “self-exile”. Isa-isa raw niyang nilapitan ang mga ito at binesu-beso.

Hindi kaya “naimpatso” si Aljur sa ginawang pagbabalik sa GMA nang “lamunin” niya ang kanyang mga pinagsasabi laban sa istasyon?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III