Aljur Abrenica, iniinda ang pintas na ‘di marunong umarte

ADVERTISING

Aljur Abrenica, iniinda ang pintas na ‘di marunong umarte

Aljur Abrenica, iniinda ang pintas na ‘di marunong umarteAljur-AbrenicaNAPANSIN NAMAN na nagkaroon na ng improvement ang acting ni Aljur Abrenica sa huli nilang pinagtambalang teleserye ni Kris Bernal, ang Prinsesa Ng Buhay Ko sa GMA-7. Kaya naman ang kasunod na nito ay kasama rin siya sa teleseryeng Kambal Serena. Nagpapasalamat siya sa mga pumupuri sa kanya, pero hindi nagpapakaplastik si Aljur para itago ang kanyang nararamdaman, na nasasaktan din siya kapag pinipintasan ang acting niya.

“Oo naman. Nao-offend ako, kaya pinagsisikapan ko naman na unti-unti ay galingan ko rin naman para sa mga nanonood ng teleseryeng nilalabasan ko. Ang nagpapalakas ng loob ko kapag naiinsulto ako ay ‘yung magagandang sinasabi ng ibang tao. ‘Yung ibang patuloy na pintas, nakatutulong din naman ‘yon para kung ano ‘yung huli kong ginawa na okey ay mahigitan ko pa sa bago kong project,” paliwanag ni Aljur.

Positive naman ang dating na kumpara noon, sa ngayon, sa mga interbyu kay Robin Padilla ay nagagawa na ng Action Superstar na banggitin ang panglan ni Aljur at magbiro na rin tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa guwapong actor.

“Alam mo, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero natuwa ako. May nagbanggit na nga kasi sa akin tungkol d’yan, kaya nagpapasalamat na lang ako,” nakangiting reaksiyon ni Aljur.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING