Aljur Abrenica, idedemanda na rin ng GMA

ADVERTISING

Aljur Abrenica, idedemanda na rin ng GMA

Aljur-AbrenicaHULING DINIG namin ay magkokontra-demanda ng breach of contract ang GMA management kay Aljur Abrenica.
Malamang din na i-freeze diumano si Aljur, dahil maraming dapat iklaro sa young actor bago uli mabigyan ito ng pagkakataon na makapagteleserye uli.
Labis daw na nasaktan ang management sa naging hakbang ni Aljur na hanggang 2017 pa ang contract nito ay kumbakit gusto na niyang magpa-release.
Nako, ‘pag na-freeze si Aljur, may sapat naman siguro siyang ipon para ituluy-tuloy pa rin ang buhay at kaya pa rin naman siguro niyang i-extend ang serbisyo ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING