Aljur Abrenica, hanggang ngayon, frozen delight pa rin

Aljur Abrenica, hanggang ngayon, frozen delight pa rin

Aljur-AbrenicaANG GANDA ng katawan ni Aljur Abrenica, grabe. Kaya ang mga fans ay nagtatanong ngayon kung hanggang kelan mae-experience ng young actor ang pagiging frozen delight sa GMA-7?

Paano siya nabubuhay ngayon? Hindi naman ipinanganak nang may gintong spoon sa mouth ang aktor, meron din naman itong binabayarang kung anik-anik na expenses, “Sana naman po, bigyan na siya ng show ng GMA, ‘wag na nilang i-freeze.”

Hindi rin naman natin alam kung ang resulta ng demanda mo sa mother network mo ay ‘yang kawalan ng career ang disciplinary action na natanggap ni Aljur.

Anyway, let’s all pray na sana nga ay mabigyan na ng show si Aljur. Sayang ang mukha, ang height at ang dating kung walang career.

If given a chance, ima-manage namin ‘yan nang bongga. Isang intense acting workshop lang ang katapat ni Aljur, nako, maraming patataubin ‘yang batang ‘yan.

Promise.

Oh My G!
by Ogie Diaz