Aljur Abrenica, handa nang ibuyangyang ang nota!

ADVERTISING

Aljur Abrenica, handa nang ibuyangyang ang nota!

Aljur Abrenica, handa nang ibuyangyang ang nota!OLA CHIKKA now na! No doubt to the fact that Aljur Abrenica is a paradigm of machismo. Sa ilang taon niyang pamamalagi sa mundo ng mga aninong gumagalaw and beyond mula nang maging grand winner ng Starstruck ng GMA, laging ang kagandahan ng kanyang anyo at matikas na hubog ng kanyang kakisigan ang siyang best features niya. Hindi rin kasi siya nakitaan ng galing sa pag-arte dahil nakadi-distract nga ang kaguwapuhan niya kaya keri na rin.

Lalo’t higit siyang binigyan ng titulong ‘Wooden Actor’ nang bumida siya sa teleremake ng Machete dahil sadyang malamig niyang ginampanan ang papel ng isang kahoy na naging tao.

Maraming attempts na rin ang ginawa ng kanyang mother studio para sa kanyang career, nguni’t ang lahat ng ito ay sadyang nauuwi lang sa malabnaw na pagtanggap.

Just what is wrong with our man, Aljur? Mahirap masabi ‘yan dahil mukhang sa gitna ng kagandahan ng kanyang panlabas na anyo, hindi mahagilap ang x-factor na maaaring magluklok sa isang artista sa pedestal na nararapat sa kanya.

ADVERTISING

Lately, mayroong mga pasaring na handa na raw maghubad si Aljur. Yes, Chiririt Misomiso… wala na raw siyang pangingiming maghuhubad, pero sa entablado lang o sa isang stage play na siya ang bida! At siyempre, frontal raw talaga basta ba mayroong matinding dahilan ayon sa takbo ng kwento. Really?

Sana kung mangyayari iyon nasa front row ang inyong lingkod upang mabasbasan ang milestone sa kanyang career! Abangan!

 

Aljur Abrenica, handa nang ibuyangyang ang nota!HANDS DOWN ako. Ayoko nang mag-move. Magreak o kumibot man lang. I don’t wanna take my eyes off Rodjun Cruz. This chunk of a hunk has really enchanted my inner longings while trying to reconcile truth and fantasy in one singular whip of my wonder wand!

Ang titig niya ay mistulang kamandag na maaaring kumitil ng buhay sa isang iglap upang tuluyan nang dumapo sa dako pa roon kung saan ay maaari siyang makasama magpakailanman! O.A.? Parang hindi.

Kasi when I met him personally sa set ng I Luv U Pare Ko nila ni Rocco Nacino sa direksyon ni Direk Buboy Tan, hindi ako na-starstruck sa kanya kundi na-starSHOCK dahil sa kakaiba niyang karisma na bumalot sa dulo ng bawat nerve ko habang binabaybay ang tulay ng aking mga makamundong kiliti!

Mabait siya at soft-spoken at nanaisin mong sana hindi na nauso ang damit para lagi mong mapagmasdan ang mala-adonis niyang cuerpo de pataranta! Yes, inaamin ko na ako ay nagtilam-tilam kay Rodjun, pero cinematic lang. Cinematic? Koreknesslaxamana, kaya kung nais ninyong makaulayaw ang kakisigan ni Rodjun Cruz, sumugod na sa mga SM Cinema nationwide sa ika-6 ng Pebrero at magpakalangong panoorin ang I Luv U Pare Ko. At siyempre, kasama rin ako sa pelikulang ito, ‘noh! ‘Di rin magpapaawat ang nag-iisang Tita Swarding!

 

LAST BUT not the least, of course nais kong i-congrats ang aking bunsong anak na si Kariz Espena, kilala sa car shows industry na binigyan ng titulong ‘Car Show Princess’, na talaga namang ayaw magpaawat sa kanyang career. At binigyan din siya ng pagkakataon sa pag-acting, isa siya sa kontrabida ng Larong Bata ni Kristine Serano na nali-link kay Nonito Donaire.

Bilang papuri sa kanya, nais niyang pasalamatan ang mga tagapagtaguyod na talaga naman sumuporta para sa kanyang 2013 calendar na ire-release by February. Nais niyang pasalamatan ang Anzahl Carpaint, Guardian Alcohol,Wipe Out, Padi’s Point, Indiepa Shirt,Teddykins Aquino, Jovey Reyes, Dra. Cherry Uy, Dra Victoria Felix, Mickey Julian, Jaycee Colmenar, Olachikka Productions and Lady Camille Espena for hair and make-up. Siyempre hangad ko ang tagumpay dahil marami pa rin ang sumusuporta sa kanya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING