Aljur Abrenica, ‘di pa ligtas kay Robin Padilla sa pakikipag-break kay Kylie Padilla

ADVERTISING

Aljur Abrenica, ‘di pa ligtas kay Robin Padilla sa pakikipag-break kay Kylie Padilla

Aljur-AbrenicaNAKARATING NA kay Robin Padilla ang balitang hiwalay na ang anak na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Hinihintay na lang daw ni Robin ang anak para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa relasyon kay Aljur.

ADVERTISING

Kaya naman hindi makapagbigay ng comment si Robin sa tunay na nangyari sa relasyon ng anak sa actor dahil hindi pa nito nakakausap ang anak. Pero nagpahayag daw si Robin ng mensahe na hindi ito nakikialam sa personal na buhay ng kanyang anak hangga’t hindi raw lumalapit sa kanya.

Hangga’t hindi pa nakauusap ni Robin si Kylie, mananatiling clueless ito sa sitwasyon ng anak. Pero hindi pa rin ligtas si Aljur sa tunay na dahilan ng break-up ng dalawa.

Matatandaan noong okey pa sina Kylie at Aljur, nagpahayag si Robin na huwag lang daw masasaktan nang husto ang mga anak niya dahil siya ang makahaharap nito.

ADVERTISING

Samantalang sa Sunday All Star this coming Sunday, magiging big day kay Kylie dahil launching ng kanyang album under GMA Record, kung saan mainstay din ng show sina Aljur at Louise delos Reyes na siya raw diumano dahilan ng hiwalayang Kylie at Aljur.

This Sunday kaya, magkita-kita na ang tatlo sa Sunday TV show? Last Sunday kasi sa show ay wala at hindi nakarating si Louise pero nandoon si Aljur?

Anyway, ang tanong ay kung isinama pa rin kaya ni Kylie sa album ang kanta na ginawa para kay Aljur. O, pinalitan na niya ng iba dahil sa nasirang relasyon nila ngayon?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING