Aljur Abrenica, deadma sa patutsada ni Robin Padilla

ADVERTISING

Aljur Abrenica, deadma sa patutsada ni Robin Padilla

Aljur AbrenicaDEADMA NA lang si Aljur Abrenica sa mga patutsada ni Robin Padilla. Ayaw na nitong magbigay ng comment sa mga pinagsasabi ng laos na action star lalo na roon sa isyung tinawag siyang bakla at noong sinabihan nito ang anak na si Kylie Padilla na humanap ng barako sa susunod na pakikipagrelasyon.

Padalus-dalos kung magsalita itong si Binoe. Parang hindi naman siya nakasakit ng damdamin ng nakarelasyon niya noon. Eh, siya nga, halos pinagsabay-sabay niya ang mga girlfriend niya noon, ‘di ba? Meron pa nga siyang naanakan, ‘di ba? Sino siya para magsalita nang ganoon kay Aljur.

Actually, me balak nga raw itong si Robin na ilipat sa Dos ang kanyang anak na dalaga. Go ahead. Wala naman siyang future sa GMA-7. Hindi naman siya kawalan sa Siyete, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING