Aljur Abrenica, bagito at mukhang walang alam sa showbiz ang bagong manager

ADVERTISING

Aljur Abrenica, bagito at mukhang walang alam sa showbiz ang bagong manager

Aljur-AbrenicaNANG NAKAUSAP si Aljur Abrenica kamakailan lang, nagulat kami na may tumatayong baguhang manager na siya ngayon. At nang makaharap namin ang tumatayong manager niya, nakita naming mukhang bagito ito sa larangan ng showbiz. Kaya paanong mapapatakbo nito nang mahusay ang career ni Aljur.

ADVERTISING

Mas mabuti sigurong ayusin muna ni Aljur ang kanyang sitwasyon sa GMA bago sila magsimula nang tama. Hindi magiging tama ang isang mali na susundan pa ng isang mali.

Balita nga sa amin na may planong mag-concert itong si Aljur. Sana, hindi maging problema.

Ayon kasi sa lawyer niyang si Atty. Topacio, wala raw magiging problema. ‘Yun na!

ADVERTISING

 

IBANG-IBA ANG dating ng show na Talentadong Pinoy ngayon. Kung ikukumpara sa dating host ng show na si Ryan Agoncillo. Masang-masa ngayon ang said show.

Aliw kami kay Robin Padilla dahil nga sa opening ng show ay sumisigaw ito. Okey naman si Mariel Rodriguez dahil nga nakilala naman talaga naman siyang TV host.

Nasabi namin masang-masa dahil nu’ng napanood namin ay naka-T-shirt lamang ito.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING