Aljur Abrenica, ayaw nang magsalita pa tungkol kay Kylie: ‘Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin’

Leo Bukas
PRESENT si Aljur Abrenica sa presscon ng pelikulang Manipula nitong Sabado ng tanghali, October 23, 2021. Ito ay  kahit pa alam niyang kukuyugin siya ng press para personal na hingan ng reaksyon tungkol sa controversial Facebook post niya sa social media noong October 19 sa paratang niya sa asawang si Kylie Padilla na ito ang unang nangaliwa.
Aljur Abrenica, ayaw nang magsalita pa tungkol kay Kylie:  'Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin'
Aljur Abrenica

Bago simulan ang presscon proper para sa ibang cast ng pelikula na kinabibilangan nina Kiko Matos at Ana Jalandoni at ng direktor ng Manipula ay ibinigay na muna ang pagkakataon kay Aljur to said his piece of the story once and for all.

“Well, I’m not proud sa nangyari,” umpisang bulalas ni Aljur tungkol sa post niya na deleted na ngayon sa social media.

“The reason why na nagawa ko iyon — out of impulse. Kasi I felt like nasadsad na ako, eh. Natulak.  Lubog na ako. Nabugbog na ako,” katwiran pa niya.

Giit pa ng aktor, “It was not my intention na maglabas ng ganung post. Pero naramdaman ko talaga na kailangan na kasi.”

Ayon pa kay Aljur, itinuturing pa rin niyang “love of my life” si Kylie.

Aniya, “I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”

“I value our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari iyon,” sabi pa niya.

Aminado si Aljur na may pagkakamali rin siya sa mga nangyari pero sana raw ay matapos na ang isyu alang-alang sa kanyang dalawang anak.

Aljur Abrenica, ayaw nang magsalita pa tungkol kay Kylie:  'Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin'

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako,” pag-amin ng aktor.  “At for the sake of our children, si Alas and Axl, gusto ko lang matapos ito.

“She’s still the mother of my children. May pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Pinagpapasalamat ko yon.

“Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila,” huling pahayag ni Aljur.

Sina Alas at Axl ang dalawang anak nina Aljur at Kylie na ikinasal noong December 2018.  Napabalita namang naghiwalay ang dalawa noong July 2021.