Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na ba?

HIWALAY NA BA sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

Ito ang tanong na bumabagabag sa mga netizens nang mapansin nila ang ilang cryptic posts sa social media ng mag-asawa.

Nagpost si Kylie sa kanyang IG Story ng ‘I’m submissive, not stupid’. Sinundan niya ito ng update na may text na ‘More self-love, baby girl’.

Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na ba?
Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Maliban sa kanyang IG stories, nagpost din ito ng ilang larawan (now deleted) kung saan ibinalandra niya ang kanyang kamay na wala ang kanyang wedding ring at isang larawan kung saan makikitang napakasaya niya with the caption “Free”.

Napansin din ng mga followers ni Kylie na tila deleted na ang mga Instagram posts nito na kasama si Aljur.

Sa social media naman ni Aljur ay marami ang napatanong sa photo update niya noong February 17 kung saan may hawak itong rosaryo na bigay sa kanya ng kapatid na si Vin Abrenica, na recently engaged naman sa longtime girlfriend niya na si Sophie Albert.

Sa caption ay nakasaad na, “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you, @vinabrenica [his brother], for lending and guiding me.”

Kung totoo ang balitang ito, nakakalungkot naman dahil marami rin pinagdaanan ang dalawa bago sila ikinasal noong December 11, 2018. Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawang panig.