Aljur Abrenica at Kris Bernal, pilit na pilit ang pagpapakilig – Joey Sarmiento

Aljur Abrenica at Kris Bernal, pilit na pilit ang pagpapakilig - Joey SarmientoAljur Abrenica at Kris Bernal, pilit na pilit ang pagpapakilig - Joey SarmientoTRUE KAYA ANG nabalitaan namin na isang dating ramp model na naging film producer at student’s conference organizer ang wanted ngayon sa Macau at hindi makabalik sa lugar na ‘yon dahil sa isang kaso?

Paano kasi, diumano’y nag-o-operate pala ng isang internet dating service at cyber sex ang naturang film producer sa Macau na natiktikan ng mga police officer du’n.

Bukod sa hindi ‘yata legal ang internet sex chat sa Macau, e, hinahabol din ang ating bida sa item na ito dahil sa human trafficking.

Sabi sa amin, meron siyang ilang tao na naka-front at nagsasabing sila ang operator pero na-trace daw ng mga pulis na siya pala ang totoong operator nu’n, tsk,tsk,tsk!!!

Ang alam namin, meron pang ilang malalaswang negosyo sa Hongkong ang bida sa item na ito pero hindi pa naman siya nahuhuli.

Pero kung hindi titigil ang ating bida sa ganitong uri ng negosyo, sigurado, hindi rin magtatagal at siguradong sa kangkungan pupulutin ang naturang film producer.

Ina ng awa, sana naman, e, magbago na ng bisnis ang ating bida at maawa sa mga nae-exploit na mga girls… getz?!

Nu’ng December pa, e, halata nang walang amor si Geoff Eigennmann kay Carla Abellana.

Aba, nu’ng tinanong namin siya kung ano ang plano niya kay Carla para sa isang date, e, parang wala lang. Parang hindi siya intresado. In fact, sinagot nga niya kami na wala siyang plano.

Hmmm… ‘yon ba ang nanliligaw? Feeling namin, pinipilit lang ng GMA-7 ang pag-link sa kanilang dalawa and now, dahil hindi kinagat ng tao, e, natibag na ang kanilang loveteam.

Walang kadala-dala ang GMA-7 management dahil heto pa rin sila kina Aljur Abrenica and Kris Bernal, ang kulit. Pinipilit nilang pakiligin ang mga viewers sa dalawang bagets pero mukhang hindi naman totoo. Fake na fake.

Kapag nagsasalita si Kris, halatang spoon-fed ang mga sinasabi. Hindi galing sa puso kahit na nasa Kapuso channel sila. PIlit na pilit kasi ang dating kaya sigurado, kapag hindi pa nag-klik ang teleserye nilang dalawa, e, tama ang title nu’n para sa dalawa, talagang last na nila ‘yon… pwamis!!!

SA TOTOO LANG, na kay Papa Piolo Pascual na ang lahat. Guwaping. Madatung. Hunk at maraming abs.Good catch nga raw, sabi ng iba. Cover pa ngayon ng Men’s Health Magazine at kitang-kita du’n ang kanyang macho body.

Pero ito ang billion dollar questions: Bakit for straight 8 years, e, wala pa rin siyang boyfriend, este, girlfriend? Bakit laging malamig ang kanyang mga gabi? Bakit laging friends and family lang ang kanyang nakakasama sa mga special occasions? Bakit parang hindi siya kinikilig kapag pinag-uusapan si KC Concepcion? Ano ang gusto niyang topic?

Paki-answer nga, mga hunks and boylets. Ganu’n ba talaga ‘yon? Kaya ba talaga nating maging tigang for 8 straight years?!

Turning 33 years old na si Papa P. pero single and available pa rin. Why, oh, why?

Ui, wala kaming ibig sabihin diyan, huh! Wala lang. Nagtatanong lang.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento