Aljur Abrenica at Kris Bernal, nagbabalik ang tambalan

Kris-Bernal-Aljur-AbrenicaGUEST NAMIN sa Startalk nu’ng Sabado ang nagbabalik na loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

In fairness kay Aljur, lalo pang gumuwapo at ang sabi nga ng mga reporters na nandu’n, gumaling daw ito sa pag-arte.

Nagkaroon din kasi ng acting workshop doon sa GMA 7 na kung saan si Direk Laurice Guillen ang nag-conduct. Ang galing daw ni Aljur at malaki raw ang ipinagbago nito.

Siguro naipon niya lahat ‘yan nu’ng panahong wala siyang trabaho dahil sa problema niya sa GMA 7.

Kaya ngayon ay handang-handa na raw siya at nagpapasalamat siya kay Kris dahil suportado siya sa pagbabalik niya.

Si Aljur nga ang bida sa Magpakailanman nu’ng Sabado ng gabi at ang laki nga ng improvement sa acting niya.

Wala pa munang masasabi sina Kris at Aljur kung anong programa ang gagawin nila dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang GMA 7.

Pa-guesting guesting muna si Aljur, at itong huli nga ang Magpakailanman.

Si Kris naman ay muli na namang nagsalita tungkol nga sa isyu ng pagpayat niya nang husto.

Kapag tingnan mo naman si Kris sa monitor, hindi naman siya payat na payat. Lalo nga siyang gumanda.

Naiirita na lang kasi si Kris sa mga naglalabasang isyu, na kesyo anorexic daw siya, nagda-drugs dahil nga sa sobrang pagpayat nito.

Sabi ni Kris nu’ng nagsalita ito sa Startalk, “Affected pa rin ako siyempre, dahil importante pa rin sa akin ang opinyon ng mga tao.

“It’s just that siguro masasabi ko lang, people grow. They get matured, so feel ko ito lang ‘yung time para sa akin i-attack everything maturely. ‘Yung mas naging woman ako.

“Hindi ako nagpapa-sexy o nagpapapayat. Let’s say, gusto kong makitaan ako sa side na ‘yun.

“I’m not anorexic. I still eat anything. Medyo nasa healthy lifestyle ako ngayon, hindi siya pagpapapayat, pero for health purposes din siya.

“I feel healthy. I feel happy. I’m more confident with my figure now, mas gusto ko siya ngayon.”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKean Cipriano, masaya raw sa bagong idine-date
Next articleMartin del Rosario, sakit lang daw sa ulo ang girlfriend

No posts to display