Aljur Abrenica, aprub sa pagso-solo sa buhay ni Kylie Padilla

ADVERTISING

Aljur Abrenica, aprub sa pagso-solo sa buhay ni Kylie Padilla

Aljur Abrenica, aprub sa pagso-solo sa buhay ni Kylie PadillaMATIPID PA rin si Aljur Anrenica sa pagbibigay ng pahayag kung tungkol din lang sa girlfriend niyang si Kylie Padilla ang paksa ng interview sa kanya. Last time nga nang makakuwentuhan namin siya sa Sunday All Stars (SAS), sandaling nag-isip pa nang sasabihin ang aktor nang mausisa namin hinggil sa planong pagbukod ng girlfriend niyang si Kylie Padilla para subukang mamuhay independently.

“Para sa akin, kung anuman ‘yong magiging desisyon niya… rerespetuhin ko,” ani Aljur. “Kasi, kanya-kanya tayo, eh. At saka kung napag-isipan na niyang bumukod at pinayagan siya… wala naman akong masasabing pagkontra.”

Kaya na nga ba ni Kylie na maging independent, sa tingin niya? Lahat naman ng bagay, kapag gusto mo, kakayanin, eh. ‘Di ba?”

Sa isang hiwalay na interview namin nga kay Kylie last week, ipinagmamalaki nito na marunong na siyang gumawa lahat ng gawaing bahay. Paglalaba, pagluluto, at pati raw paghuhugas ng pinggan. Dalawa lang daw siya ng isa pa niyang kapatid sa bahay ngayon.

ADVERTISING

Nabanggit din ng aktres na paborito raw ni Aljur ang luto niyang pininyahang manok.

“Totoo po iyon,” nangiting pagsang-ayon ng Kapuso hunk.

Ayon pa nga kay Kylie, smooth daw ang takbo ng relasyon nila ngayon. Unlike before na napapabalitang medyo hinihigpitan pa ang dalaga ng ama niyang si Robin.

“Ah… isa ‘yan sa mga ipinagpapasalamat ko,” matipid na reaksiyon lang ni Aljur.

Sa kanyang first album na tinatapos ngayon, may particular song ba rito na para kay Kylie?

“Ah… abangan n’yo na lang. Abangan n’yo na lang!” sabi na lang ng aktor.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING