Aljur Abrenica, ang lakas ng loob labanan ang network

ADVERTISING

Aljur Abrenica, ang lakas ng loob labanan ang network

Aljur-AbrenicaMARAMI ANG nag-abang sa Startalk ng kuwento namin tungkol kay Aljur Abrenica. Kinulang kami ng oras, kaya hindi na namin napalabas ang kuwento tungkol sa pagpapa-release niya ng contract sa GMA 7.

Halos karamihan namang komento sa ginawa ni Aljur, hindi pabor at nagsasabing mali ang ginawa niya.

Hay, naku! Malaking kabobohan talaga!

Wala pa munang mabigay na statement ang GMA 7 tungkol diyan dahil wala pa silang natatanggap na complaint ng young actor.

ADVERTISING

May ibang nakabasa ng complaint niya at naikuwento na rin sa akin, pero hindi ko na pinakinggan ang iba.

Kahit ano pa ‘yun, kabobohan talaga, dahil mahirap na kalabanin ang TV network, o isang malaking kumpanyang kagaya ng GMA 7.

Kung gusto man niyang mag-file ng Rescission of Contract, hindi tama ‘yung ginawa nilang pagtawag ng media at mga reporters pa ra i-cover ‘yun. Sana tahimik na lang, at hayaan na lang na malaman ito ng press.

Pero nag-imbita talaga ng mga reporter at namigay pa yata ng datung, kaya ang lakas ni Aljur. Sino kaya ang malakas niyang backer? Ganu’n na siya kayaman para magdesisyong tumigil muna sa pag-aartista at magpatuloy sa pag-aaral. Bongga siya, ha?!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING