Alice Dixson, mayabang ang impresyon noon kay Aga Muhlach

ADVERTISING
Leo Bukas

SA MEDIACON ng pelikulang Nuuk ng Viva Films na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson ay hindi naiwasang aminin ng aktor kung gaano siya naging pasaway noon during his “rebel days.”

Matindi raw ang problemang ibinigay niya noon sa manager na si Ethel Ramos dahil kadalasan ay late siyang dumarating sa shooting at uma-attend sa presscon tapos tatakas din agad.

Alice Dixson, mayabang ang  impresyon noon kay Aga Muhlach
Aga Muhlach

Pagtatapat ni Aga, “I had those times — mga ’86, ’87, ’88, ’89.  ‘Yon ‘yung mga panahon na kasama ko siya (Alice), ‘yun ‘yung mga panahong ligaw na ligaw ako no’n.

“Na para bang darating ako sa shooting nu’n dahil kailangang dumating. So, ‘yon ‘yung mga panahong, nasa set na lang, hindi ako dumarating. Sa presscon, hindi ako dumarating.”

Pero siyempre, napakalaki na raw ng ipinagbago niya nitong mga nagdaang taon. In fact, sa presscon ng Nuuk ay maaga na siyang dumating pero nauna pa rin sa kanya ang leading lady niyang si Alice.

ADVERTISING

Tanong ng press kay Aga, niligawan ba niya si Alice noong nakatrabaho niya ito sa Regal Films?

“Parang hindi naman ligaw, eh, kasi parang lahat naman sa akin dati, di ba? Parang normal naman siguro na…  Hindi naman sa chickboy ka, pero lahat ng lalaki, gusto, babae,” lahad ng aktor.

Pero aminado si Morning (tawag din kay Aga) na talagang nagandahan siya noon kay Alice na nakasama niya sa mga peikulang Sinungaling Mong Puso at Hot Summer at Joey Boy Munti: 15 Anyos Ka sa Muntinlupa.

“Parang ganu’n. Nagagandahan ka, di ba? Parang “papaano ba ako manliligaw?” Parang ganu’n, eh. Pero wala naman.

“Buwisit nga siya sa akin no’n, eh. Galit pala siya sa akin no’n. Ang tingin pala niya sa akin, mayabang,” kuwento pa ng aktor.

Ang Nuuk na idinirek ni Veronica Velasco ay showing on Nov. 6. Ang pelikula ay kinunan  sa Nuuk, Greenland at naka-lock-in sila doon ng 21 days. Sobrang hirap ang kanilang dinanas sa shooting dahil nga sa sobrang lamig lalo na pag outdoor ang mga kinukunang eksena.

ADVERTISING