Alice Dixson, kinabog si Marian Rivera sa paseksihan

ADVERTISING

Alice Dixson, kinabog si Marian Rivera sa paseksihan

Alice-DixsonPATUNAY NA may asim pa si Alice Dixson ay ang pangangabog niya sa ‘di hamak na mas batang aktres sa pagrampa sa recent FHM event.

Nagtilian kasi ang mga taong nakasaksi ng mga nagseseksihang bituin sa showbiz na sa ikatlong pagkakataon, ang muling nanguna ay ang CPA (currently popular actress).

Unlike Alice who brought the house down, halatang maligamgam ang pagtanggap sa CPA kahit effort na effort niyang dalhin ang kanyang pulang mala-Indian outfit. Hirap na hirap sa paghakbang ang CPA sa bigat ng kanyang headgear.

Ayon sa mga naroong audience, kung edad ang pag-uusapan ay no match si Alice but her figure was a sight to behold.

ADVERTISING

Samantala, nahingan ng komento ang nobyo ng CPA tungkol sa tila conspicuous absence ng mga laksa-laksang fans nito sa naturang event. Had the CPA’s supporters displayed a show of force, ‘di sana’y most applauded ang kanilang idolo na kinabog ni Alice Dixson!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING