Alice Dixson, desididong magpalipad ng eroplano

ADVERTISING

Alice Dixson, desididong magpalipad ng eroplano

Alice-DixsonAYON KAY Alice Dixson, kung mabibigyan daw siya ng panahon, ang pagpapalipad ng eroplano ang una sa kanyang bucket list bago ang pagma-Masteral Degree.

Malabo na nga raw ang pagdo-doctorate dahil hindi niya matapus-tapos ang kurso niyang Urban Plan Economics sa British Columbia University sa Canada dahil palagi raw siyang nasa set at nagtatrabaho.

Tulad ngayon na magiging busy na naman siya sa pagte-taping ng More Than Words, bagong telesine ng TV5 na nakatakdang ilabas sa Mother’s Day sa May at pinagbibidahan din ng Kapuso talent na si Sarah Lahbati.

Dahil sa hectic ng schedule, baka raw next year na niya planuhin ang Masteral Degree at ang pagpapalipad na lang daw muna ng eroplano ang kukunin niya.

ADVERTISING

Nakapag-research na si Alice kung saang flying school siya kukuha ng crash course para sa pagpapalipad ng eroplano.

Sa nagtatanong kung bakit pagiging piloto pa ang nagustuhan niya? Simple lang ang kasagutan niya. Gusto raw niya bago lumabo ang mata niya at may pagsisihan pagdating ng panahon na hindi niya nagawa ang mga pangarap niya sa buhay.

Ayaw raw niyang ipagpaliban pa nang matagal ang mga nasa listahan na gagawin niya dahil baka raw anytime ay mawala na siya sa mundong ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING