Ali Sotto at Pat-P Daza tatapatan ang mga lalaking broadcasters sa ‘Ano Sa Palagay N’yo?’

Leo Bukas

MAY BAGONG morning TV-radio experience na hatid ng NET25 simula Lunes, October 18, alas otso ng umaga. Samahan sina Ali Sotto at Pat-P Daza na sagutin ang ANO SA PALAGAY ‘NYO?

Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanay na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.

Ali Sotto at Pat-P Daza tatapatan ang mga lalaking broadcasters sa ‘Ano Sa Palagay N’yo?’
Ali Sotto and PAt-P Daza in ‘ANO SA PALAGAY N’YO?’

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.

“Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad ni Pat-P.

Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 8-10 ng umaga sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.

Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa pulitika man yan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan.

Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.

Ito ang kanilang mga social media accounts:

Facebook: NET25
Instagram: @net25tv
Twitter: @net25tv
Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting

Youtube: NET25

Official website: net25.com

Previous articleVLOG WATCH: BTS ng Underwear Endorsement Shoot ni Jak Roberto! (Bida-Bida Sibs Power!)
Next articleJulia Barretto: ‘Ang sarap kayang mawasak ang puso’