Ali Forbes, host muli sa season 2 ng Pinay Beauty Queen Academy

Ali Forbes, host muli sa season 2 ng Pinay Beauty Queen Academy

Ali-ForbesFINALLY, HETO na nga at magbubukas na ang Pinay Beauty Queen Academy season 2 ngayong Linggo, June 21. Abangan ngayong Sunday ang premiere ng tinaguriang pinakamagandang television show, ang PBQA season 2. At tinatampukan nga ni Miss Grand International runner-up na si Ali Forbes, as host.

Makakasama niya ang mga bigating beauty queens na sina Miss Universe runner-up Shamcey Supsup, Miss International Bea Rose Santiago, Miss Earth Priscilla Meirelles at Bb. Pilipinas Universe Nina Ricci Alagao bilang mga mentors.

Kasama rin sina Wilma Doesnt at ang kanyang kanang kamay sa nasabing show na si Sugar bilang mga training supervisors.

Magkakahalong drama, action at comdey at punung-puno ng surprises ang reality TV na ito. Puno ng drama at sakripisyo para maging isang beauty queen.

Yes, sa Linggo na, June 21, 5:30 to 6:00 pm sa GMA News TV channel.

Kabog na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!