Alfred Vargas will finally reveal his biggest secret

ADVERTISING

 Alfred Vargas will finally reveal his biggest secret

 Alfred Vargas will finally reveal his biggest secret  MAY EXCLUSIVE INTERVIEW ang Startalk kay Alfred Vargas na mapapanood bukas.

ADVERTISING

Alam ko na siyempre kung ano itong rebelasyon niya, pero ayoko namang pangunahan dahil ma-buting mula na mismo kay Alfred manggagaling.

May kinalaman ito sa personal niyang buhay dahil sabi nga niya noon, matagal na niya itong itinatago at ayaw naman daw niyang itago ito forever dahil dapat nga ay ipagmalaki.

Sabi nga niya sa mga interview niya noon, naisantabi na niya ang personal niyang buhay dahil sa naging abala siya sa trabaho niya bilang konsehal ng district 2 ng Quezon City at sa taping niya sa Mutya.

ADVERTISING

Ngayong wala pa siyang sinisimulan uli sa ABS-CBN 2, gusto munang mag-concentrate ni Alfred sa kanyang trabaho sa Quezon City hall at sa kanyang pamilya.

Inamin naman ni Alfred na nagpakasal na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine Espiritu sa Italy nu’ng nakaraang taon.

Ngayon ay pinaghahandaan na niya ang binabalak nilang church wedding na gagawin nila next year. Dapat ngayong taong ito, pero namatay kasi ang daddy ni Alfred, kaya palilipasin muna ng isang taon.

May malaki pang pagbabago sa buhay ni Alfred at sa relasyon nila ni Yasmine kaya abangan n’yo na lang ang kabuuan ng kuwento niyang ito kay Ricky Lo para sa Startalk.

 

NA-INTERVIEW RIN NG Startalk si Jennylyn Mercado sa story conference ng bagong programa nito sa GMA-7 na Footbulilits.

Masaya siya kapag tungkol kay Luis Manzano ang pinag-uusapan, pero nililinaw niyang wala pang namamagitan sa kanilang dalawa kundi hanggang palabas-labas lang daw sila.

Malaki ang pasasalamat niya kay Luis dahil dumating daw ito sa buhay niyang kailangan niyang merong magprotekta at magtanggol sa kanya.

Ang isa pang masaya ngayon si Jennylyn ay ang magandang pagtrato raw sa kanya ng pamilya ni Patrick Garcia.

Kahit hindi naman daw sila together ni Patrick, naramdaman daw niyang suportado siya ng pamilya ng ama ng kanyang anak.

Ang anak nilang si AJ ang concern nila, at hindi na raw nila pinag-uusapan ang ibang isyu ng personal nilang buhay.

“’Yung sa amin naman ni Patrick, tungkol lang talaga kay AJ ang pinag-uusapan namin, eh. ‘Yung mga personal thing, hindi naman pinag-uusapan ‘yun kundi ang future lang talaga ni AJ.

“Saka, very supportive ang family ni Patrick, sila Tito, si Cheska, si Tita Bing… talagang very suppor-tive sila, at kung saan ako masaya, du’n din sila.

“Kumbaga, parang na-feel ko na part ako ng family kahit na siyempre hindi kami magkasama ni Patrick at hindi kami together. Meron kaming kanya-kanyang buhay. Na-feel ko na talagang ‘yung suporta nila talagang nandu’n para talaga sa akin,” natutuwang kuwento ni Jennylyn.

 

PAKISUYO LANG PALA ito ni Gorgy Rula, dahil bukas na ang launch ng bagong all-male sexy group niyang The Hotmen.

Gaganapin ito sa Zirkoh Morato, alas-diyes ng gabi.

Special guest nila rito si Ai-Ai delas Alas na kung saan huhubaran sila nang bonggang-bongga.

Maloloka ang mga kabadingan diyan dahil tiyak na paglalaruan sila ni Ai-Ai.

Ka-back-to-back ito ng show nina Gladys Guevarra at ang mga nagseseksihang EB Babes.

Hatid ito ng Red Tag Marketing Group, Inc. at major sponsors dito ang Frenzy Condoms and EZ Lubricating Jelly.

Tig-500 ang halaga ng ticket na mabibili sa SM Tic-kets na may telephone no. na 470-2222.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING