Alfred Vargas, tutulong para malutas ang kaso ng pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache

ADVERTISING

Alfred Vargas, tutulong para malutas ang kaso ng pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache

Alfred-VargasISA NAMAN ako sa natuwa sa magandang performance ng alaga kong si Alfred Vargas na congressman ng 5th district ng Quezon City.

Nu’ng nakaraang Sabado, nagbigay si Alfred ng 1st Congressional Report to the People of Novaliches.

Ginanap itong report niya sa Rosa Susano Elementrary School na dinaluhan ng mga kasamahan niya sa Kongreso, at ilang konsehal ng Quezon City at ang vice-mayor ng QC na si Joy Belmonte.

Ang daming isyung sinagot ni Alfred kagaya ng nangyari sa ina ni Cherry Pie Picache.

ADVERTISING

Close kasi si Alfred kay Cherry Pie dahil nagkasama sila noon sa ilang pelikula nila sa Seiko Films.

Kinondena ni Alfred ang pagpaslang sa ina ng aktres at nangako siyang tutulong ito para malutas itong krimeng nangyari.

Hindi naman sinagot ni Alfred ang isyung pagbalik ng death penalty na iminumungkahi ni Cherry Pie.

Sabi ni Alfred, pag-aaralan daw nila ‘yun sa Kongreso at pagbobotohan naman daw ito pagkatapos nilang pagdebatehan.

Excited na rin si Alfred na makabalik na sa showbiz. Malamang na gagawa na rin ito ng drama series. Pero hindi pa masabi kung saan. Nakikipag-usap pa lamang siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING