Alfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!

ADVERTISING

Alfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!

Alfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!MABUTI NAMAN AT nakabalik na si Janno Gibbs sa pagtatrabaho!

Nangako na itong tuluy-tuloy na raw ang pagpasok niya sa Party Pilipinas at sana nga hindi na mali-late.

Nagulat nga ang lahat na staff ng Party Pilipinas nu’ng Linggo dahil ang aga nitong dumating para makapag-rehearse. Kaya nakasali siya sa opening number. Dati kasi, madalas na sumusulpot na lang siya at hindi na siya inaasahan sa opening number dahil late nga itong dumarating.

Hindi ko alam kung sinong kumausap sa kanya na ayusin na niya ang attitude niya sa trabaho, lalo na’t napapag-usapan na dumadaan daw ito sa matinding depression kaya hindi na ito lumalabas ng bahay.

ADVERTISING

Nang kinausap ito ng mga reporter doon sa Party Pilipinas, itinatanggi naman niyang may problema siya o sila nina Bing Loyzaga at mga bata.

Pabiro lang nitong sinagot ang isyung depression na totoong na-depress daw siya nang nalaman niyang ikakasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Nang natanggap na raw niya ito, ayun pumasok na siya sa Party Pilipinas.

Kung totoong may pinagdaanan nga si Janno noon, sana tapos na iyon at ituluy-tuloy na niya ang pagtatrabaho para magkaroon na siya ng iba pang programa sa GMA 7.

TODO SA PAGPAPAPAYAT nga-yon ang alaga kong si Alfred Vargas dahil may gagawin na siya sa ABS-CBN 2. Maganda ang offer ng Dos kaya tinanggap niya ito. Pero kailangan niya talagang magpapayat dahil lagi siyang nakahubad dito. Kung ano ‘yung role niya, abangan n’yo na lang dahil bagong fantaserye itong gagawin niya sa Dos kasama ang mga batang bida.

Wish lang ni Alfred na tuluy-tuloy na ang pagpayat niya dahil bukod sa regular taping days niya, abala rin ito sa kanyang trabaho sa Quezon City hall. Dapat maisingit pa rin niya ang pagdyi-gym dahil may target siyang timbang na dapat sundin bago siya magsimula ng taping.

Takaw-gulo yata ngayon itong Celebrity Survivor castaway na si Ervic Vijandre dahil sa napag-iinitan ito ngayon sa Survivor.

Muntik na nga itong nasangkot sa suntukan sa party nila sa Republiq nu’ng nakaraang linggo. Iyun pala, iyung Australyanong boyfriend ni Princess Snell na dala-dala naman nitong hitad at hindi man lang ipinakilala sa mga kasamahan niya.

Bukod daw sa boyfriend nitong Princess, may kasama pa silang iba kaya siyempre nagtanong si Ervic kung sino sila dahil dapat mga Survivor lang ang nasa mesa.

Nagsumbong itong kaibigan ng boyfriend kina Princess, sila pa ang may ganang magalit at gusto nang suntukin si Ervic.

Siyempre, pumalag din ito at muntik nang nagkagulo talaga. Mabuti na lang at naawat sila kaya hindi naman daw umabot sa sakitan.

Ang sabi na lang ni Ervic, sa susunod na labas nito hindi na raw siya lalabas ng bahay na hindi suot ang rosaryo na bigay ng lola niya.

Naniniwala siyang ‘yun ang nagbigay sa kanya ng proteksiyon kaya nalalayo siya sa gulo. Nu’ng panahong ‘yun nakalimutan daw niya ang rosaryong ‘yun kaya nasangkot tuloy siya sa gulo.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING