Alfie Lorenzo, nagwawala na naman sa pag-etsa-puwera sa kanya nina Judy Ann Santos at Sunshine Cruz

ADVERTISING

Alfie Lorenzo, nagwawala na naman sa pag-etsa-puwera sa kanya nina Judy Ann Santos at Sunshine Cruz

Alfie Lorenzo, Judy Ann Santos & Sunshine Cruz
Alfie Lorenzo, Judy Ann Santos & Sunshine Cruz

Bumubuga na naman ng apoy si Tito Alfie Lorenzo nang malaman niya na may pinasok na naman na panibagong endorsement contract ang alaga na si Judy Ann Santos.

Sa muling pagtatagpo nina Juday at Piolo Pascual sa launch ng kanilang bagong iniendorsong “insurance company”, galit si Tito Alfie Lorenzo sa kung sino man ang nakialam sa pakikipag-deal on behalf of Juday gayong siya ang business manager ng aktres.

Sa media launch, walang alam si Tito Alfie sa deal na ito ni Juday na may kaganapan na mangyayari.

Ang isa pa niyang alaga na si Sunshine Cruz bad trip din si Tito Alfie dahil mula nang ma-revive nito ang career via “Dugong Buhay” sa Kapamilya Network, hindi na rin daw dumaraan ang mga bookings sa kanya.

ADVERTISING

Kahit ang komisyon niya, hindi na rin diumano nakararating sa kanya as manager.

Kung saan hahantong ang pagkakairita ni Tito Alfie sa dalawa niyang mga alaga ay abangan natin.

I’m’ sure, super talak na naman ang isang Alfie Lorenzo sa dalawa niyang alaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING