Alexa Miro, gusto kilalanin ng mga netizens

HINDI sinasadyang nabunyag sa publiko na ‘in a relationship’ na pala ang presidential son na si Sandro Marcos. Ito ay hindi inaasahang nabunyag dahil naka-live pala sa Facebook si Lani Mercado nang makipagkamustahan ito sa binata.

Dahil sa clues na ‘taga-Bacoor’ at taga-‘LOL’ o Lunch Out Loud ang syota ni Sandro, marami ang nakaisip na baka ang sexy actress na si Alexa Miro ang secret girlfriend ng young politician.

Alexa Miro, gusto kilalanin ng mga netizens
Alexa Miro

Well, there’s nothing wrong if they’re in love! Nagkataon lang siguro na marami ang nangangarap na dyowain sila ni Sandro kaya marami ang shocked sa revelation na ito pala ay ‘in a relationship’ na.

Samantala, kapansin-pansin din ang pagdami ng mga taong curious kung sino nga ba si Alexa Miro?

Nag-umpisa si Alexa Miro bilang kiddie beauty queen sa Munting Miss Universe noong 2001 sa Magandang Tanghali Bayan ng ABS-CBN.

Nagbalik ito sa showbiz matapos magviral ang pinagbidahang short film/advertisement ng isang fastfood chain noong 2018 na may pinamagatang ‘The Signs’. Dahil naimpress ang direktor na si Theadore Boborol sa dalaga, kinuha niya ito to play a supporting role sa afternoon series na Precious Hearts Romances: Araw Gabi’.

Alexa Miro, gusto kilalanin ng mga netizens
Alexa Miro

Noong kasagsagan ng pandemya ay naging matapang ito at nagbida sa Upstream.PH film na ‘A Girl and a Guy’, kung saan naging daring ito at gumawa ng mga maseselang eksena sa pelikula. Bida sila ng isa pang baguhang aktor na si Rob Gomez.

Nag-reunite ang dalawa sa Regal Studio Presents: Messy Thing Called Love, na kinagiliwan naman ng kanilang fans dahil ‘safe for work’ na ito panoorin online.

Alexa Miro, gusto kilalanin ng mga netizens
Alexa Miro and Rob Gomez

Sa kasalukuyan ay napapanood si Alexa Miro sa ‘Lunch Out Loud’ ng TV5. In fairness, talented naman talaga ang dalaga. She can dance and yes, she can really sing!

Mapapanood siya soon sa upcoming sexy romance movie ng Regal Films na ‘Cheat Day’ na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Only time will tell kung aamin ba sina Alexa at Sandro sa kanilang relasyon. Ang importante ay binibigyan nila ang individual growth and goals ng isa’t isa. Just let them be if they’re really together, okay?!

Previous articleTop 5 John Lloyd Cruz – Bea Alonzo Movies
Next articleAwra Briguela na-trauma sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball; modus ng mga cellphone snatchers ibinuking