Alexa Miro at Sandro Marcos, 5 years nang magkakilala

HINDI itinanggi ng sexy actress/performer na si Alexa Miro na close friends sila ng Ilocos Norte 1st District representative na si Sandro Marcos na nali-link sa kanya ngayon.

Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ay pasimpleng tinanong siya kung istrikto ba ang binata sa mga sexy dance numbers ng dalaga.

Alexa Miro at Sandro Marcos, 5 years nang magkakilala
Alexa Miro and Sandro Marcos

“As a friend? As a friend hindi naman,” sagot ni Alexa. Ayon pa sa kanya, supportive daw ang kanyang ‘close friend’ at binibigyan din siya ng payo tungkol sa kanyang showbiz career pathing. “Parang nagbibigay lang din siya ng advice na, ‘Should you go down this path? Maybe you should limit this. Or maybe you can excel more in this area’,” saad ni Alexa.

Aware naman si Alexa na kumakalat ang balitang magkasintahan na diumano sila ng young politician. Na-overwhelm nga rin ito sa dami ng supporters and bashers na nagmemessage at nagtatag sa kanya. Aminado din siya na naapektuhan siya noong umpisa.

“Super close kasi kami talaga. Matagal na [kaming magkaibigan] actually almost 5 years na now,” kuwento pa ni Alexa.

Matagal na raw magkakilala sina Alexa at Sandro, pero mas naging close sila lalo noong August 2021. Nakapag-attend din sila ng kasal ng common friend nila sa Spain noong nakaraang taon kaya siguro natsismis na magkasama sila noon sa Europa.

Nakilala na rin daw ni Alexa ang mga magulang ni Sandro at present din ang dalaga sa oath taking ng binata bilang Ilocos Norte 1st District representative kaya lalong lumakas ang tsikang magdyowa na sila.

Whatever the real score is between Sandro and Alexa, just let them be!

Previous articleVLOG WATCH: Charlie Dizon lets her followers control her day!
Next articleKPOP Album Review: Manifesto Day 1 by Enhypen