Alexa Ilacad, proud sa galing ni Nash Aguas

ADVERTISING

Alexa Ilacad, proud sa galing ni Nash Aguas

Nash-Aguas-Alexa-IlacadNAPAKASUWERTE NG bagets na si Nash Aguas dahil binigyan siya ng napakagandang serye sa Dos na Bagito na nagsimula nang umere last Monday bago ang TV Patrol.

ADVERTISING

Sabi nga ng director na si Direk Onat, una pa lang niyang nakasama si Nash ay humanga na siya sa bagets. Nanghihinayang nga si Direk Onat kung hindi mabibigyang ng isang magandang istorya si Nash.

“Nakita ko kasi kay Nash ang isang magaling na actor. Kaya nang ipagkatiwala sa akin itong Bagito ay siya kaagad ang pumasok sa isip ko,” say ni Direk.

Sigurado kami na maraming makare-relate sa istorya ng serye na kung saan maagang naging ama ang binatilyong si Drew na ginagampanan ni Nash. May mga eksena na talagang matatawa ka at mayroon ding maiiyak ka sa eksena na kinakausap ni Ariel Rivera na gumaganap na step father si Nash.

ADVERTISING

Ayon kay Nash, bata pa lang daw siya ay nangarap nang magbida sa isang serye.

“Tapos akala ko po, sobrang dali lang (ang magbida). Pero ngayon po, na-realize na sobrang dami pala ng responsibilidad dahil talagang sobrang pressured po ako nu’ng una. Pero natutuwa naman po ako dahil nalaman ko na nagustuhan ninyo ‘yung preview. Sana po magustuhan din ng mga tao,” say ni Nash.

Maging ang ka-tamden ni Nash na si Alexa Guidicelli  Ilacad ay ina-acknowledge ang husay ng una sa kanilang serye.

“Talaga pong pinaghirapan niya ito kaya alam kong magugustuhan ito ng maraming tao,” pagmamalaki ni Alexa para kay Nash.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING