Alex Medina, bale-wala ang pagpapakita ng puwet sa pelikula

ADVERTISING

Alex Medina, bale-wala ang pagpapakita ng puwet sa pelikula

Alex Medina, bale-wala ang pagpapakita ng puwet sa pelikulaNO WONDER kung bakit siya ang tinatawag na ‘The New Bad Boy of Philippine Cinema’, dahil sa unang tingin kay Alex Vincent Medina, may angas na ang dating. Parang suplado na nakakatakot pero naughty.

Kaya nga after his stunning performance sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak, hindi na nagdalawang-isip ang Kapamilya Network na isalang siya sa My Little Juan, kung saan nagsimula siyang ipakilala as the tricycle driver na mae-encounter ni ‘Juan’ played by Izzy Canillo sa panghapong palabas ng ABS-CBN.

Sa katunayan, ang lakas ng dating ni Alex. Mas malakas ang sex appeal kumpara sa nakatatandang kapatid na si Ping at ama na si Pen Medina.

Kaya nga sa last part ng telenovela na pinagbidahan nina Maja Salvador at Kim Chiu, huli man daw siya pumasok sa kuwento ay napansin din siya.

ADVERTISING

Sa mga bading at matrona; maging sa mga disenteng misis na may pamilya – biro nga nila, kung magloko man sila at mangangaliwa, peg nila sa lalaki ay katulad ni Alex Vincent.

Sexy kasi ang dating niya na hindi bastusin. Seksi na may kaseryosohan na siyang nagbibigay misteryo sa katauhan niya.

Kung sa Cinema One 2012 film na Palitan na nagbigay sa kanyang ng acting award, (p’wede rin palang mapansin ang acting ng artista kahit umikot sa sex scenes nila ng bidang babae na si Mara Lopez), ‘di hamak na mas maiinit ang mga eksena niya sa Cinemalaya 2013 entry na Babagwa.

“I have several butt exposure. Doon sa ‘Palitan’ isang love scene lang. Pero rito sa Babagwa, maraming eksena, iba’t ibang porma,” pagmamalaki ni Alex Vincent sa kanyang mga eksena sa pelikula.

Hindi mo man siya hubaran tulad ng mga sampu-samperang “aktor-aktoran” ng mga barya-baryang indie films ‘kuno’; si Alex Vincent, 105% oozing with sex appeal.

Kuwento niya, “Chatter ako sa mga online chat like MIRC. Pinapa-ibig ko ang mga babae na ka-chat ko,” kuwento niya.

Okey lang kay Alex Vincent na maghubad sa mga eksena niya sa pelikula. “It’s a job and besides, I’m an actor and an artist,” pahayag niya. Confident siya sa pagkalalaki niya without question.

Bukod sa pag-arte, bokalista rin siya ng punk-rock-metal band niyang Alex in Wonderland, and at the same time ay isa rin siyang graphic artist.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING