Alex Gonzaga, umaming nagka-boyfriend na pero ‘di rin daw nagtagal

ADVERTISING

Alex Gonzaga, umaming nagka-boyfriend na pero ‘di rin daw nagtagal

Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Umamin din sa wakas si Alex Gonzaga na nagka-boyfriend siya. Hindi siya NBSB (tulad ni Alora Sasam na kasama niy sa “My Rebound Girl”). Patunay lang na hindi siya tibo (lesbian) at umiiibig din siya lalaki.

Kumbaga, ang pag-amin ni Alex ay para i-break marahil ang mga tsika that she likes girls and not boys.

Non-showbiz ang lalaki at isang Chinese na hindi nga lang nagtagal ang kanilang romansa. Maikli lang ang itinagal ng lalalaking minahl ni Alex named Carlo Chugunco. Pero ayaw na ng dalagang pag-usapan si Carlo.

“Ang nakaraan ay nakaraan na,” sabi ni Alex.

ADVERTISING

Ngayon, naka-focus si Alex sa work niya. Naniniwala naman kasi ang dalaga na kapag may kinuha si Lord, may kapalit.

“At ‘yung ipapalit niya ay mas sobrang okey,” dugtong niya.

Sa almost two months nilang relasyon ni Carlo, parang hindi malinaw ang dahiln ng split-up nilang dalawa. Pero pareho silang nag-decide na maghiwalay. Mutual ang desisyon nila ni Carlo as her boyfie.

Pero ang maganda, ang dating kapareha niya sa telebisyon na si Joseph Marco (sa teleseryeng “Pure Love”), never siyang iniwanan.

Nagdya-jive ang “special friendship” nila ni Joseph kahit hindi sila naging “sila”.

Ngayong loveless si Alex at single naman ang status ni Joseph sa usaping “relasyon”, walang makapagsasabi na ang naudlot noon sa kanila ay puwede namang ipagpatuloy at baka mas okey pa nga sila this time ‘pag nagkataon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING