Alex Gonzaga, seseryosohin lang si Joseph Marco, kung aakyat ng ligaw nang walang pasabi

ADVERTISING

Alex Gonzaga, seseryosohin lang si Joseph Marco, kung aakyat ng ligaw nang walang pasabi

Alex Gonzaga & Joseph Marco
Alex Gonzaga & Joseph Marco

Nagsimula lahat nang magsama ang dalawa sa teleseryeng Pure Love ng Kapamilya Network.

Akala ko nga noong una, si Arjo Atayde ang nanliligaw kay Alex Gonzaga dahil persistent ang binata noong una hanggang sa lumaon na lang ay si Joseph Marco na pala ang nali-link sa dalaga.

Yes, tila may “something” na namamagitan na noon kina Alex at Joseph na hindi na nga lang lumago, pero nasimulan ng binata.

Kaya nga nang magsama muli sila via the latest rom-com film ng Regal Films na “My Rebound Girl”, tila may linaw na ang “something” na ‘yun nina Alex at Joseph.

ADVERTISING

Sabi nga ni Alex sa grand presscon ng movie nila about “coffee”, very gentleman si Joseph.

“Nand’yan siya palagi at hindi ka niya iiwanan,” kuwento ni Alex.

Ang binata on Alex: “She’s very positive kapag may problema siya. Magaan siyang kasama. Gusto ko sa tao ay ‘yong matured na kayang dalhin ang sarili kahit may problema. I find it very sexy.”

Sa guwapo ni Joseph, who can’t resist kung manligaw siya ng babae. Pero si Alex, nalilito rin sa diskarte ng binata.

“Hindi naman straight siyang nanliligaw sa akin na sasabihin niya na liligawan niya ako,” kuwento ni Alex.

Pero may confession ang binata tungkol kay Alex na seryoso siyang nagparamdam ng kanyang interest noong first season ng afternoon serye niyang “Pasion de Amor”.

Mukhang fully-guarded yata si Alex noong magkasama pa sila sa seryeng “Pure Love”.

Pabirong sabi ni Joseph, “Hindi kami naging ano… no’ng magkasam pa kami sa serye. Hindi talaga niya ko pinapasok (manligaw).” Kaya hindi na siya naging persistent sa interest niya kay Alex noon.

Kung kailan hindi na sila naging magkasama sa trabaho, doon pa itinuloy ni Joseph ang kanyang interest muli sa dalaga. Kaya naman sa absence ni Alex sa mundo niya, hinanap-hanap niya ito.

This time na magkasama sila muli, hindi isinasara ng binata ang pagkakaton na muling mabuhay ang nasimulan niya. Yes, plano muli ng binata na magparamdam sa dalaga.

Ayon naman kay Alex, seseryosohin niya ang “panliligaw” ni Joseph kung sakali na aakyat siya ng ligaw na unscheduled. Manligaw ito na hindi na kailangang i-announce. Ganu’n ba ‘yun Alex?

Sa project nina Joseph at Alex, makasasama nila sina Martin Ecudero at Alora Sasam at ipalalabas na nationwide sa September 28 mula sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz.

By the way, sina Joseph at Alex, p’wede na ring tawaging “SephLex” as a love team na p’wedeng umawra at makipagsabayan sa KathNiel, JaDine, JoShane, at LizQuen.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING