Alex Gonzaga, pinatunayang ‘di lang siya basta kapatid ni Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, pinatunayang ‘di lang siya basta kapatid ni Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, pinatunayang ‘di lang siya basta kapatid ni Toni GonzagaMatapang na hinaharap ni Alex Gonzaga ang mga intrigang ibinato sa kanya nu’ng lumipat siya sa ABS-CBN. Inihalintulad din siya sa kanyang sister na si Toni Gonzaga, na diumano’y walang utang na loob nung umalis sa unang network na kanyang napuntahan. Nung si Alex ang umalis sa TV5, ikinalungkot din niya ang mga pang-iintrigang ikinabit sa kanya. Pero kahit kailan, hindi nawala sa puso niya ang utang na loob, na nanggaling siya sa Singko.

Sobrang dikit ang magkapatid na Alex Gonzaga at Toni, dahil pareho silang walang katapusan magtsikahan nung mga bagets pa lang sila tungkol sa mga pangarap nila na gustong marating. Nakaabang lang lagi si Alex sa mga kaganapan nung nagkukumahog na si Toni para mapansin sa showbiz. Hindi gumagaya ang bunso sa panganay na kapatid, pero dahil sa pagsisikap ay nagkakahawig na ang pinatutunguhan ng kanilang mga karera.

Nung magpakasal si Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano, minarkahan na kaagad si Alex ng panlalait, na hindi siya sisikat sa ABS-CBN, dahil nakadikit lang ang kanyang pangalan sa kanyang ate. Pero hayan na… Bukod sa laging may teleserye si Alex, hinubog na rin siya ng Kapamilya network na ‘tulad ng ni Toni ay maging TV host na rin siya. Napagkakatiwalaan na talaga si Alex ng Dos bilang bagong sibol na TV host, kaya asar-talo ang mga nang-iintrigang wala siyang magiging career sa paglipat niya sa network, kung nasaan siya ngayon. Pinakinabangan din niya ang pandededma lang sa mga panlalait sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista