Alex Gonzaga, nilangaw ang concert sa Araneta

Alex Gonzaga, nilangaw ang concert sa Araneta

1 Alex-GonzagaAS EXPECTED, flop ang concert ni Alex Gonzaga sa Smart Araneta last Saturday. Ang tsika, the day before the concert, nag-pull out ng 5,000 tickets ang grupo ni Joed Serrano para ipamigay na lang sa mga fans. Hindi nga naman disimulado na walang nanood kung may tao nga naman sa mga upuan. Hindi nga naka-30 percent ang ticket selling (upperbox). Kinausap pa nga ng source namin ang takilyera sa Smart Araneta at ang sabi nito, matumal ang benta, ‘yun na.

Kinarir nga ng mommy ni Alex ang pagbebenta ng ticket (P3,000) sa mga kaibigan nito outside showbiz at taga-showbiz. Pero bigo si Mader, walang gustong bumili para manood ng concert ng kanyang anak. Kahit nga raw libre, hindi nila pag-aaksayan ng panahon panoorin si Alex dahil alam nating hindi naman siya singer.

Ayon pa sa tsika, kung sinu-sinong celebrities daw ang pinakiusapan nina Alex at ni Joed na mag-guest sa kanilang concert para lang ito panoorin ng publiko. Pati nga ang celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar ay kinuha nilang mag-perform para panghatak sa audience.

Bigyan ba naman ng ilusyon ng producer ng show si Alex, ‘yan tuloy ang nangyari, nilangaw ang concert ng starlet comedienne. Feeling kasi ng dalaga, puwede na siyang mag-level- up sa utol niyang si Toni Gonzaga. Imposibleng mangyari ‘yun, walang comparison. Sa galing at husay ni Toni as a singer, actress, TV host, and comedienne, hindi kakayanin ni Alex na maabot ang narating ng kanyang older sister.

Infairness kay Toni, nagtiyaga at naghintay ng tamang break para maabot niya ang kinalalagayan sa ngayon, dahil marami ang naniniwalang totoong may talent ang dalaga. Kaya nga puro box-office hit ang kanyang mga pelikula. Sa totoo lang, copycat lang si Alex ni Toni, walang sariling identity ang younger sis nito. Huwag agad-agad maniwala sa sariling ilusyon at press release, ‘yan ang ikababagsak ng isang artista.

Sa totoo lang, wala pang napatutunayan si Alex kahit bida na siya sa pantaserye ng Kapamilya Network. Feeling superstar na nga raw ang attitude ng dalaga sa set kaya’t kinaiinisan ito nang patalikod. Puro kanegahan ang sinasabi sa kanya na hindi niya alam. Nagpapakatotoo lang naman ang mga ito sa pagsasabi ng totoo nilang experience with Alex.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield