Alex Gonzaga, nawala kahit paano ang pagiging starlet

ADVERTISING

Alex Gonzaga, nawala kahit paano ang pagiging starlet

Alex-GonzagaMATATAPOS NA pala sa Nov. 14 ang Pure Love TV series na first big break ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN pagkatapos niyang umalis sa TV5. Sa assessment, malaki ang in-improve ng career ni Alex. Marami na rin ang nakakakilala sa kanya ngayon.

Maging sa TFC ay kilala na rin siya. Hindi katulad noon na “no name” o “starlet” pa talaga ang dating niya. Hindi na rin maiwasang pagkumparahin sila ni Ate Toni niya lalo pa nga’t pareho silang host ng The Voice of the Philippines.

Malaki ang pasasalamat ni Alex na tinanggap agad ng tao ang pagbibida niya sa Pure Love. “Ramdam na randam ko ang pagiging Kapamilya ko. Sobrang thankful ako sa bumubui ng Pure Love, sa mga nakatrabaho kong artista at sa mga taong nanonood sa amin,” pahayag ng TV host-actress.

Sa hosting sa The Voice at ASAP 19 muna magko-concentrate si Alex habang naghihintay ito ng panibagong project sa ABS-CBN.

ADVERTISING

At least, nawala ang pagiging starlet ni Alex for a time dahil ginawa siyang star ng Dos. Bongga!

Masuwerte naman si Joseph Marco, kasama ni Alex sa Pure Love dahil may next teleserye na agad siya. He is one of the cast ng Pasion de Amor na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Ellen Adarna at Jake Cuenca.

Si Yeng Santos who’s also in the cast of Pure Love ay may bagong TV series na rin sa Dos, hindi lang kami familiar sa tite nito, huh!

At least, may mga trabaho pa rin sila pagkatapos ng Pure Love.

With Arjo Atayde and Yam Concepcion na bahagi rin ng series, wala pa kaming balita.

Pakiusap ng cast na tutukan pa ng televiewers ang nalalabing dalawang linggo ng Pure Love na napapanood bago mag-TV Patrol.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING